1,878 total views
Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang mga pari ng Archdiocese of Manila na magiging katuwang sa pangangasiwa sa bawat lunsod na sakop ng arkidiyosesis.
Sa sirkular na inilabas ng RCAM itinalaga ng cardinal si Quiapo Church Rector at Parish Priest Fr. Rufino Sescon Jr. bilang Episcopal Vicar ng Manila; si Rockwell Mall Chaplain Fr. Rolando Garcia Jr. naman sa Makati; San Felipe Neri Parish Team Ministry Moderator Fr. Ramon Jade Licuanan sa Mandaluyong; Fr. Edgardo Coroza sa Pasay habang si Fr. Michael Kalaw naman sa San Juan City.
Bukod dito nagtalaga rin ng mga Vicar Forane na mamumuno sa bawat bikaryato ng arkidiyosesis kabilang na si Fr. Juanito Arroco, Jr. sa Vicariate of Holy Family; Fr. Nolan Que sa Vicariate of Espiritu Santo; Fr. Joel Rescober, CM sa Vicariate of Nuestra Señorea De Guia; Fr. Enrico Martin Adoviso sa Vicariate of Our Lady of Loreto; Fr. Sanny De Claro sa Vicariate of San Fernando De Dilao; Fr. Peterson Tieng, LRMS sa Vicariate of Sn Jose de Trozo; Msgr. Geronimo Reyes sa Vicariate of Sto. Niño; Fr. Carlos Reyes sa Vicariate of Our Lady of Guadalupe; Fr. Roderick Castro sa Vicariate of Saints Peter and Paul; Fr. Danilo Canceran sa Vicariate of Sta. Clara de Montefalco; Fr. Wilmer Rosario sa Vicariate of San Felipe Neri; Fr. Jerome Secillano sa Vicariate of Saint John the Baptist; at Fr. Joselino Tuazon naman sa Vicariate of Saint Joseph the Worker.
Matatandaang Oktubre 2022 nang magpatupad ng reshuffling ang RCAM sa lahat ng mga parokya ng arkidiyosesis makaraang maantala nang maitalaga si dating Manila Archibishop Cardinal Luis Antonio Tagle sa Vatican noong 2019.
Hiling ni Cardinal Advincula sa mananampalataya ang patuloy na panalangin para sa mga pastol ng simbahan gayundin ang pakikipagtulungan at suporta upang higit lumago ang simbahan at mananampalataya ng bawat pamayanan.