EDSA people power revolution, simbolo ng pagkakaisa ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,317 total views

Ang paggunita ng EDSA People Power Revolution ay isang patuloy na paalala sa kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat mamamayan para sa bayan.

Ito ang ibahagi ni Benedictine nun Sr. Mary John Mananzan, OSB – Director ng Institute of Women Studies of St. Scholastica’s College at Chairman Emeritus ng grupong Gabriela sa naganap na “VERITASAN sa EDSA Shrine” na may temang “WHY CELEBRATE EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION”.

Ayon sa Madre, isa sa mga pangunahing aral ng EDSA People Power Revolution ay ang malawak na posibilidad na naidudulot ng pagkakaisa ng bawat mamamayan para sa isang adhikain para sa bayan.

Ipinaliwanag ni sister Mananzan na ang pagkakaisa ng mamamayan sa EDSA ay nawakasan ang Martial Law sa bansa at napatalsik sa posisyon ang pangulong diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Pagbabahagi ni Sr. Mananzan, nawa ay patuloy na isapuso at isaisip ng mga Filipino magpahanggang sa ngayon na ang lahat ay posible kung magkakaisa lamang ang lahat para sa iisang adhikain para sa bayan.

“Sa akin ang lesson ng People Power kasi sa EDSA, kapag nagkakaisa kayo at meron kayong tinitingnan na goal ninyo may mangyayari. Napatalsik natin ang diktador noong EDSA because people where there and they had one goal na dapat matapos na yung Martial Law, so yun ang nangyari. So ngayon din dapat we have that kind of [thinking] na kapag tayo ay magkakaisa at we have one goal then we can do something about it.” pahayag ni Sr. Mananzan

Naniniwala naman si Former COMELEC Commissioner Atty. Rene Sarmiento na ang taunang paggunita ng EDSA People Power Revolution ay hindi lamang isang pagkakataon upang alalahanin ang isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng bansa kundi isang pagkakataon rin upang magkaroon ng ‘renewed commitment’ ang bawat isa sa pagsusulong ng kapayapaan at demokrasya ng bansa.

Partikular namang pinuna ni Sarmiento na isa rin sa mga nagbalangkas ng 1987 Constitution ang panukalang pag-amyenda ng Konstitusyon ng bansa kung saan bahagi ng panukala ang pagtatanggal at pagbabago ng ilan sa mga probisyon na nasasaad sa Saligang Batas.

Paliwanag ni Sarmiento, sadyang nakababahala ang nasabing panukala sapagkat marami sa mga probisyon nasa kasalukuyang Saligang Batas ang bunga ng naging matagumpay na EDSA People Power Revolution kung saan binibigyang diin ang kahalagahan ng mga salik sa demokrasa ng bansa.

“Ito [EDSA People Power Revolution] naman hindi lang day of remembrance but a day of renewed commitment. I think kapag nandiyan po ang EDSA I think we have to renew our commitment for freedom and democracy. Kaya nga po ito pong move to amend the Constitution yung Cha-Cha at alisin yung mga probation diyan medyo nakakabahala po yan, kasi po maraming probation diyan is a fruit or product of EDSA People Peaceful Power Revolution.” Ayon kay Former COMELEC Commissioner Rene Sarmiento.

Inilunsad ng Radio Veritas 846 at Archdiocesan Shrine of Mary, The Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine ang “VERITASAN sa EDSA Shrine” na may temang “WHY CELEBRATE EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION” bilang bahagi ng paggunita sa ika-37 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Pinangasiwaan ni Rev. Fr. Jerome Secillano, rector ng EDSA Shrine at executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs ang programa na nagsilbing host at moderator sa naganap na talakayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 15,877 total views

 15,877 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 85,989 total views

 85,989 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 160,604 total views

 160,604 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 240,682 total views

 240,682 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 283,286 total views

 283,286 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 1,922 total views

 1,922 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top