Nutrisyon at katiyakan sa pagkain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 969 total reads

Kapanalig, malaking problema pa rin ang nutrisyon sa ating bansa. Sa hirap ng buhay ngayon, mas salat sa pagkain ang mas nakararami nating kababayan.

Ayon nga sa isang report ng Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO), mga 5.7 milyong Filipino ang undernourished noong 2019 hanggang 2021. Isa tayo sa mga 63 na bansa na may maraming undernourished na mamamayan.

Ang pruweba ng undernourishment na ito ay makikita sa dami ng mga batang nagagapi dahil sa gutom at sa dami rin ng mga batang stunted o maliit para sa kanilang edad sa ating bansa. Ayon sa UNICEF, 95 na bata ang namamatay sa ating bansa kada araw dahil sa malnutrisyon. 27 sa isang libong bata ang hindi na umaabot o lumalampas pa sa kanilang pang-limang taong kaarawan. Ikatlo o one-third sa mga batang Filipino ang punggok o stunted – maaari itong maging permanente at nakamamatay.

Kapanalig, ang kalusugan ng ating mga kabataan ang siyang unang nagagapi ng kasalatan sa pagkain. Napakalaki ng implikasyon at epekto nito. Ang  kalusugan ng mga bata, mula sanggol hanggang kanilang puberty ay napakahalaga dahil ito ang kanilang pundasyon para sa kanilang magandang kinabukasan. Kapag laging gutom o walang nutrisyon ang pagkain, hindi lamang ang katawan ang naapektuhan, pati brain development ng mga bata ay tatamaan. Kapag mangyari ito, pati ang kanilang learning at cognitive abilities ay maapektuhan – mas magiging mabagal sila umintindi ng mga leksyon sa klase, mas hirap silang mag-aral, at mas matamlay silang kumilos kumpara sa iba nilang kamag-aral. Habang dumadami ang bilang nila, hindi lamang sila ang mahihirapan, kundi ang kanilang pamilya, ang kanilang magiging pamilya, ang kanilang pamayanan, at maging ang ating bansa. Ang mga bata ngayon ay ating magiging decision-makers sa hinaharap. Kung hinayaan nating mapurol ang kanilang kaisipan at kakayahan dahil sa gutom, atin ding nilustay ang kanilang kinabukasan pati na ang bayan.

Kailangan nating tugunan ang isyung ito sa lalong madaling panahon. Kailangan nati matiyak ang suplay ng abot-kaya, dekalidad, at masustansyang pagkain para sa lahat. Sa ngayon, hirap na hirap gawin ng bayan ito. Pati sibuyas nga ay hindi na natin maabot ang presyo, paano naman kaya ang iba pang uri ng pagkain?

Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang mensahe para sa Director General ng FAO noong 2021: Ang pagdaig sa gutom ay isa sa mga dakilang hamon ng sangkatauhan. Paalala niya: Ang ating mga aksyon ay ang ating kinabukasan: Mas mahusay na produksyon, mas mahusay na nutrisyon, isang mas mahusay na kapaligiran at isang mas mahusay na buhay. Kailangan nating sama-samang kumilos upang ang lahat ay may access sa pagkain.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 18,678 total reads

 18,678 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 66,549 total reads

 66,549 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 170,497 total reads

 170,497 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 256,610 total reads

 256,610 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 325,918 total reads

 325,918 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Troublemaker

 18,680 total reads

 18,680 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 66,551 total reads

 66,551 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 256,612 total reads

 256,612 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »
Scroll to Top