Nutrisyon at katiyakan sa pagkain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 800 total views

Kapanalig, malaking problema pa rin ang nutrisyon sa ating bansa. Sa hirap ng buhay ngayon, mas salat sa pagkain ang mas nakararami nating kababayan.

Ayon nga sa isang report ng Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO), mga 5.7 milyong Filipino ang undernourished noong 2019 hanggang 2021. Isa tayo sa mga 63 na bansa na may maraming undernourished na mamamayan.

Ang pruweba ng undernourishment na ito ay makikita sa dami ng mga batang nagagapi dahil sa gutom at sa dami rin ng mga batang stunted o maliit para sa kanilang edad sa ating bansa. Ayon sa UNICEF, 95 na bata ang namamatay sa ating bansa kada araw dahil sa malnutrisyon. 27 sa isang libong bata ang hindi na umaabot o lumalampas pa sa kanilang pang-limang taong kaarawan. Ikatlo o one-third sa mga batang Filipino ang punggok o stunted – maaari itong maging permanente at nakamamatay.

Kapanalig, ang kalusugan ng ating mga kabataan ang siyang unang nagagapi ng kasalatan sa pagkain. Napakalaki ng implikasyon at epekto nito. Ang  kalusugan ng mga bata, mula sanggol hanggang kanilang puberty ay napakahalaga dahil ito ang kanilang pundasyon para sa kanilang magandang kinabukasan. Kapag laging gutom o walang nutrisyon ang pagkain, hindi lamang ang katawan ang naapektuhan, pati brain development ng mga bata ay tatamaan. Kapag mangyari ito, pati ang kanilang learning at cognitive abilities ay maapektuhan – mas magiging mabagal sila umintindi ng mga leksyon sa klase, mas hirap silang mag-aral, at mas matamlay silang kumilos kumpara sa iba nilang kamag-aral. Habang dumadami ang bilang nila, hindi lamang sila ang mahihirapan, kundi ang kanilang pamilya, ang kanilang magiging pamilya, ang kanilang pamayanan, at maging ang ating bansa. Ang mga bata ngayon ay ating magiging decision-makers sa hinaharap. Kung hinayaan nating mapurol ang kanilang kaisipan at kakayahan dahil sa gutom, atin ding nilustay ang kanilang kinabukasan pati na ang bayan.

Kailangan nating tugunan ang isyung ito sa lalong madaling panahon. Kailangan nati matiyak ang suplay ng abot-kaya, dekalidad, at masustansyang pagkain para sa lahat. Sa ngayon, hirap na hirap gawin ng bayan ito. Pati sibuyas nga ay hindi na natin maabot ang presyo, paano naman kaya ang iba pang uri ng pagkain?

Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang mensahe para sa Director General ng FAO noong 2021: Ang pagdaig sa gutom ay isa sa mga dakilang hamon ng sangkatauhan. Paalala niya: Ang ating mga aksyon ay ang ating kinabukasan: Mas mahusay na produksyon, mas mahusay na nutrisyon, isang mas mahusay na kapaligiran at isang mas mahusay na buhay. Kailangan nating sama-samang kumilos upang ang lahat ay may access sa pagkain.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 51,040 total views

 51,040 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 57,169 total views

 57,169 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 87,311 total views

 87,311 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 106,539 total views

 106,539 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 124,723 total views

 124,723 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NUMBER’S GAME

 51,041 total views

 51,041 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 57,170 total views

 57,170 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 87,312 total views

 87,312 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 106,540 total views

 106,540 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »
Scroll to Top