Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 706 total reads

Homiliya para sa Huwebes ng Ika-6 na Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 ng Pebrero 2023, Gen 9:1-13 & Mk 8:27-33

Lumaki ako sa isang luma at tradisyunal na bahay na kahoy, capiz ang bintana, pawid na nakatali sa kawayan ang bubong. Karamihan sa amin na 13 magkakapatid, sa bahay lang ipinanganak. At may kaugalian noon na pagkapanganak, ang pusod namin ay pinatutuyo, binabalutan ng lampin at itinatali sa kilong kawayan ng aming bubong. Palagay ko kaya ginagawa iyon ay para manatili kaming nakatali o nakaugnay ang puso at diwa—hindi naman sa bahay lang kundi sa pamilya, ibig sabihin sa isa’t isa.

Dahil siguro mukhang barkong kahoy na pahaba ang bahay namin, noong unang marinig ko ang kwento ng Noah’s Ark, napaginipan ko ito. Nagkaroon daw ng malaking baha at ang bahay namin ay humiwalay sa mga poste nito at lumutang sa dagat. Bukod sa pamilya, marami daw ang nakisilong sa loob ng bahay namin, naging kapamilya na rin namin pati mga ibon, aso, pusa, manok, bayawak, pati mga ahas. Parang lumaki daw ang aming pamilya.

Palagay ko parang ganoon ang pinaiisip talaga sa atin ng awtor ng Genesis sa ating unang pagbasa. Ang Noah’s Ark ay parang Big Brother’s House, Bahay ni Kuya. Ang Diyos ay Kuya na hindi nakikita pero kasamang lagi ng lahat ng pinagsama sa loob ng bahay niya, at umaalalay sa relasyon nila sa isa’t isa, bilang pamilya. Actually maganda ang konsepto ng Big Brother, pero naging negatibo dahil ginawang modelo ng isang lipunan na kontrolado ng isang diktador na namboboso sa lahat ng nangyayari sa loob ng bahay sa pamamagitan ng sangkaterbang CCTV na nakakabit sa bawat sulok ng bahay.

Magandang laruin sa imahinasyon ang kuwento ng Noah’s Ark. Sa tagal ng panahon na nagpalutang-lutang sila sa loob ng isang bahay na barko, siyempre nagkaroon sila ng malalim na relasyon sa isa’t isa, kaugnayan ng puso at isip na ibig ng Diyos na manatili. Kaya siguro KAPATID o KAPUTOL ang tawag natin sa mga taong nalapit ang loob sa atin dahil sa tagal ng pinagsamahan, mga taong nakaisa natin ng puso at diwa, kahit hindi natin kadugo. Para bang nagiging karugtong na rin buhay natin. May panloob na koneksyon na hindi napuputol kahit magkalayo man tayo sa isa’t isa.

Sabi ng Diyos kay Noe, “Mananatili ang kaugnayan ko sa iyo, pati na sa magiging mga anak at apo mo, pati na rin sa lahat ng mga hayop at nilikha na nakasambahay mo sa loob ng arko sa panahon nh delubyo.” Ibig sabihin, siya ang pusod na nagdurugtong sa atin sa isa’t isa.

Hindi na raw muling masisira ang mundo hangga’t nananatili ang koneksyon natin sa kanya at sa isa’t isa bilang magkakasambahay sa loob ng iisang daigdig na ating tahanan. Bahaghari daw ang magiging simbolo ng relasyon na ito—maraming kulay, pero hindi na mapaghihiwalay dahil bahagi ng iisang sinag ng liwanag.

Parang ito rin ang ginawa ni Hesus sa mga alagad niya; tinuruan niya tayong manirahan sa loob ng isang arko at tumuring sa isa’t isa bilang magkakalakbay. Ituturing na kabaliwan ang arkong binubuo, pero kahit magdusa at mamatay ang lahat sa delubyo, babangon at babangon na muli ang sangkatauhan kung mananatili ang kaugnayan nila sa Diyos at sa isa’t isa.

Sa pelikulang Avatar, hindi raw pinuputol ng mga Navi ng planetang Pandora ang buhok nila. Itinitirintas nila at ang dulo nito ang pwedeng umugnay sa anumang hayop, halaman, o kapwa nilikha, para sila magkadugong kalooban at maramdaman ang nasa loob ng isa’t isa. Parang ganoon ang ginagawa natin kapag nakikinig tayo sa salita ng Diyos at tumatanggap ng Eukaristiya. Para tayong magkakasambahay sa loob ng Arko ni Noe. Nakakayanan nating harapin ang kahit ano pang delubyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 18,670 total reads

 18,670 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 66,541 total reads

 66,541 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 170,489 total reads

 170,489 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 256,602 total reads

 256,602 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 325,910 total reads

 325,910 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE “HEART OF THE FILIPINO”?

 460 total reads

 460 total reads I used to prefer Philippine Airlines over other carriers because I associated PAL with convenience and comfort. But my experience today, October 20,

Read More »

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 18,142 total reads

 18,142 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 23,788 total reads

 23,788 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »
Scroll to Top