3,622 total views
Sadyang makasaysayan ang naganap Edsa People Power Revolution noong 1986 na nagdulot ng maraming pagbabago at alaala hindi lamang sa bahagi ng kasaysayan ng bansa kundi maging sa kasaysayan ng pananampalataya.
Ito ang ibinahagi ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera sa pagsisimula ng Misa Nobernaryo para sa kapistahan ng Archdiocesan Shrine of Mary, The Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine noong ika-15 ng Pebrero, 2023.
Ayon sa Arsobispo na siya ring vice chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Family and Life, ang EDSA na dating kilala bilang Highway54 noong 1950’s ay hindi isang simpleng lansangan kundi sagradong lugar kung saan nakamit ng mamamayang Pilipino ang kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon.
Ibinahagi ni Archbishop Garcera na ang Edsa People Power Revolution din ang nagsilbing daan upang maitatag ang mismong dambana bilang pag-alala sa mapayapang rebolusyon na hinangan at nagsilbing huwaran sa buong daigdig.
“I wish to recall the memories of EDSA, EDSA is not just a highway referred to as a Highway54 in the 1950’s, the events that happened in 1986 had changed the understanding of EDSA and this sacred place the Shrine which we are now brought so many historic memories that concluded into a peaceful revolution, there is truly a change of understanding as events turn into part of history from a highway to a memory of ’86 to a church.” pagninilay ni Archbishop Garcera.
Binigyang diin naman ng Arsobispo na dapat na simulan sa sarili ang kapayapaan na matagal ng inaasam ng bawat isa para sa bayan sa halip na hanapin ito sa kapwa.
“If I do not see peace in others, then I must initiate peace beginning with me.” Paalala ni Archbishop Garcera.
Paliwanag pa ng Arsobispo, hindi dapat na tumigil sa pananalangin ang bawat isa upang madarama ang kapayapaang hatid ng Panginoon sa puso ng bawat mananampalataya.
“Prayer which is our gesture of looking up (to God), if we want peace in our hearts, if we want to see clearly the needs of others, if we want to see the meaning of what is happening to us in the world we need to pray, we need to look up. Do not stop praying, prayer helps us to see with our eye with a heart that has an eye.” Dagdag pa ni Archbishop Garcera.
Samantala, iginiit naman ni Antipolo Bishop Francisco M. De Leon sa ikalawang araw ng Misa Nobernaryo para sa kapistahan ng EDSA Shrine ang kahalagahan ng tunay at ganap na pagkilala sa Panginoon na naglalayong magsilbing gabay para sa maayos at matuwid na pamumuhay.
Ayon kay Bishop De Leon, hindi lamang dapat na isaisip ang pagkakakilala sa Panginoon at sa kanyang Mabuting Balita sa halip ay dapat na ganap na isapuso at isabuhay.
“It is important that we recognized the Lord because knowing Him is not just informational. It should be formational. It should form us. Then our knowledge of Him becomes transformational. We cannot but change of we really know the Lord.” Bahagi ng pagninilay ni Antipolo Bishop Francisco M. De Leon.
Kaugnay nito, inaanyayahan ng pamunuan ng EDSA Shrine ang bawat mananampalataya na makibahagi sa Misa Nobernaryo para sa kapistahan ng dambana sa ika-24 ng Pebrero, 2023 at paggunita ng ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero, 2023.
Nagsimula ang Misa Nobernaryo noong ika-15 ng Pebrero, 2023 na isinasagawa tuwing alas-sais ng gabi sa pangunguna ng mga Obispo mula sa iba’t ibang mga diyosesis.