P150M halaga ng misdeclared na asukal,kinumpiska ng BOC-Subic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,315 total reads

P150M halaga ng misdeclared na asukal,kinumpiska ng BOC-Subic

Naharang ng Bureau of Customs – Port of Subic ang mahigit 30,000 sako ng refined sugar na nagkakahalaga ng P150 milyon sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City, Zambales noong Marso 2.

Pinangunahan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio kasama sina District Collector Maritess Martin, DA Assistant Secretary James Layug, at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Rolen Paulino ang pagsusuri sa 58 container kung saan nakalagay ang mahigit 30,000 sako ng misdeclared refined sugar.

Tiniyak naman ni Commissioner Rubio na paiigtingin pa ng BOC ang kampanya laban sa smuggling lalo na ang iligal na pagpasok ng mga produktong agrikultural na lubhang nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyante.

Binuksan din ng BOC ang dalawang container ng squid rings kung saan nakatago ang iba’t ibang frozen meat product na hindi idineklara na nagkakahalaga ng P40 milyon.

Umabot naman sa 9.5 milyong pakete ng puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.42 bilyon ang narekober sa isinagawang operasyon ng BOC sa isang warehouse sa Indanan, Sulu.
Ito ang pinakamalaking halaga ng smuggled na sigarilyo na nakumpiska sa isang operasyon sa ilalim ng Marcos administration.

Kasabay ng pinaigting na operasyon ng BOC ay nalagpasan din nito ang target na makolektang buwis noong Pebrero.

Nakakolekta ito ng P63.015 bilyon mas mataas sa target na P61.82 bilyon at sa nakolektang P59.43 bilyon sa kaparehong buwan noong 2022.

Sa unang dalawang buwan ng taon ay P133.38 bilyon na ang nakolekta ng BOC na lagpas sa P124.73 bilyong target nito.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,245 total reads

 22,245 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,372 total reads

 22,372 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,751 total reads

 39,751 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,157 total reads

 96,157 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,658 total reads

 219,658 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 303,062 total reads

 303,062 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,246 total reads

 22,246 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,373 total reads

 22,373 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top