280 total views

5th Sunday of Lent Cycle A

Ez 37:12-14 Rom 8:8-11 Jn 11:1-45

Naglalaban ang puwersa ng buhay at ang puwersa ng kamatayan. Nararanasan natin ito sa ating buhay. Noong panahon ng pandemya, iwas ng iwas tayo sa anumang magdadala ng sakit. Marami sa nagkakasakit ay inaagaw natin sa kamatayan at ginagamot natin. Sa pang araw-araw na buhay nagsisikap tayo na maging malusog at malinis para hindi magkasakit at humaba pa ang buhay natin. Nilalayuan natin ang bisyo sapagkat nagdadala ito ng sakit at ng gulo na magdadala ng kamatayan. Ang kamatayan ay dala ng kasalanan. Nilalayuan natin at pinagsisisihan ang kasalanan upang mapalayo tayo sa kamatayan.

Ito ang magandang balita, na ganoon tayo kamahal ng Diyos na pinadala ng Diyos ang kanyang kaisa-isang anak upang hindi tayo mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. At iyan nga ang ginawa ni Jesus. Pinapalaya niya tayo sa kuko ng kasamaan, sa kuko ng karamdaman, at sa kuko ng kamatayan. Kaya nagpapagaling siya ng maysakit, nagpapalayas siya ng demonyo, nagpapatawad ng kasalanan at binubuhay ang patay. Si Jesus mismo ay napailalim sa kahirapan at kamatayan pero hindi siya natalo ng mga ito. Nabuhay siyang muli! Ang kapangyarihan ni Jesus sa kamatayan ay pinakita niya sa atin sa kanyang pagbuhay kay Lazaro.

Ang tagumpay sa kamatayan ay tagumpay sa kawalang pag-asa. Nawalan na ng pag-asa ang magkapatid na Marta at Maria ngayong patay na ang kanilang kapatid na si Lazaro. Ang kanilang pagbati at pagsumbat kay Jesus noong makita nila siya ay: “Panginoon, kung kayo ay narito, hindi sana mamamatay ang aking kapatid.” Parang pinaparamdam kay Jesus na ngayong patay na siya, wala na tayong magagawa. Iyan din ang sumbat ng mga tao na kasama ni Maria. “Nakapagpadilat ng bulag ang taong ito. Bakit hindi niya nahadlangan ang pagkamatay ni Lazaro.” Wala na siyang magagawa, patay na si Lazaro. Kaya kapag patay na, wala ng pag-asa. Tapos na ang kuwento.

Iyan din ang naging sitwasyon ng mga Israelita noong panahon ni Ezekiel. Bagsak na ang templo nila sa Jerusalem. Nawasak na ang kanilang lunsod. Sila ay mga bihag na sa Babilonia. Wala nang pag-asa na makabalik pa sila muli sa kanilang lupain. Ang turing nila sa kanilang sarili ay mga kalansay na. Patay na, nabubulok na sila sa kanilang libingan. Pero pinasabi ng Diyos kay Ezekiel: “Magpahayag ka. Bayan ko, ibubukas ko ang inyong libingan. Ibabangon ko kayo at iuuwi sa inyong bayan. Hihingahan ko kayo upang kayo’y mabuhay.”

Ganoon nga ang nangyari. Pagkaraan ng pitumpung taon, nakabalik ang mga Israelita sa Judea at pagkaraan pa ng ilang taon, naitayo muli nila ang kanilang lunsod at templo sa Jerusalem. Ganoon din ang ginawa ni Jesus kay Lazaro. Kahit na apat na araw na siya sa loob ng libingan at maaaring nangangamoy na sa kabulukan, pinabuksan ni Jesus ang kanyang libingan at tinawag siya: “Lazaro, lumabas ka!” At lumabas nga siya. Buhay uli si Lazaro! Sa labanan ng buhay at kamatayan, nagwawagi ang buhay.

Pinadala ng Diyos ang kanyang anak upang bigyan tayo ng buhay. Hindi niya tinanggal ang kamatayan. Niligtas na tayo ni Jesus at namamatay pa rin tayo, pero may bagong buhay sa kabila ng kamatayan. Ang huling salita ay ang buhay at hindi ang kamatayan.

Manalig tayo sa buhay. Kumampi tayo sa buhay. Sa ating panahon ngayon, patuloy pa rin ang labanan ng buhay at ng kamatayan. Ang nakakalungkot ay maraming tao ay nasa panig ng kamatayan. Sumusunod sila sa kultura ng kamatayan. Naniniwala sila na ang kamatayan ay ang solusyon sa mga problema natin. Iyan ang paniniwala ng mga tao na para sa kanila digmaan at ang mga armas ang solusyon. Kaya mayroong digmaan sa Ukraine, kaya mayroong digmaan sa Myanmar, kaya mayroong digmaan sa Central African Republic at sa marami pang parte ng mundo. Kaya nagpaparami ng armas ang China. Nagtatangka silang kunin ang Taiwan at ang West Philippine Sea sa pamamagitan ng dahas, sa pamamagitan ng armas.

Pero huwag na tayong tumingin lang sa ibang bansa sa paglaganap ng kultura ng kamatayan. Dito rin sa atin ay may mga tao na ang solusyon nila sa problema ay kamatayan: nandiyan iyong naniniwala na mawawala na ang problema kung sila ay magbigti – kaya dumadami ang suicide. May mga naniniwala na abortion ang solusyon sa problema, kaya nagpapalaglag, pinapatay ang bata na wala namang kalaban-laban para makaiwas sa problema. Nandiyan iyong nilulunod ang kahirapan sa pamamagitan ng pag-iinom o ng droga, mga solusyon na nakakasira ng buhay. May mga naniniwala na kailangang iligpit ang masasamang tao para huwag nang kumalat ang kasamaan. Kaya pinapatay ang drug addicts, pinapapatay ang pinaghihinalaan na masamang tao o karibal sa posisyon, kaya nandiyan ang political killings, ang red-tagging ng mga naninindigan para sa katarungan. Ang mga ito ay mga iba’t-ibang mukha ng kultura ng kamatayan.

Hindi sila magwawagi, kasi ang kamatayan ay hindi solusyon. Ang solusyon ay buhay. Sinabi ng Diyos: Ayaw ko ang kamatayan ng masasama. Ang kasamaan ay mawawala, hindi sa pagpapatay ng masasamang tao, kundi sa pagpapatawad at pagbabago sa kanila. Ito ang ginawa ni Jesus. Siya na ang tumanggap ng parusa na para sa ating kasamaan. Siya na ang nag-alay ng sarili niya para tayo ay mapatawad, magbago at magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Sa pagtutunggali ng buhay at ng kamatayan, kanino tayo panig? Tayo ba ay nagbibigay buhay o nagdadala ng kamatayan? Sa pakikitungo natin sa iba, nagbibigay ba tayo ng sigla sa buhay o kalungkutan at takot? Manindigan tayo sa buhay! Mas makapangyarihan ito kaysa kamatayan!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Manggagawang Pilipino

 19,397 total views

 19,397 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 25,553 total views

 25,553 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 29,915 total views

 29,915 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 40,506 total views

 40,506 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 48,729 total views

 48,729 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 734 total views

 734 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 6,060 total views

 6,060 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 8,218 total views

 8,218 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 10,376 total views

 10,376 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 10,726 total views

 10,726 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 24,196 total views

 24,196 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 24,625 total views

 24,625 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 28,669 total views

 28,669 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 31,425 total views

 31,425 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 31,425 total views

 31,425 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 31,407 total views

 31,407 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 34,908 total views

 34,908 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 31,407 total views

 31,407 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 31,402 total views

 31,402 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 31,402 total views

 31,402 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top