Mananampalataya, hinikayat na face to face dumalo sa mga gawaing simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 212,296 total reads

Hinihikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya sa diyosesis na bumalik na sa mga parokya sa pagdalo ng mga gawaing pangsimbahan at pagdiriwang ng misa.

Nilinaw naman ng obispo na hindi pa binabawi ang dispensation sa online masses lalo’t nanatili pa ring umiiral ang novel coronavirus pandemic.

Ipinaliwanag ng Obispo na marami pa rin sa mamamayan ang hindi nagpabakuna laban sa Covid-19 dahil sa takot sa epekto ng gamot at sa kanilang paniniwala.

“We encouraged them to go back pero pinag-iisipan pa namin kung e-lift na yung dispensation kasi meron talagang mga tao na apektado pa rin nung pandemya. Parang is this their choice na hindi magpabakuna kasi hindi sila naniniwala sa bakuna and for us na to not discriminate against them we continue to make online mass,” ayon kay Bishop Gaa sa programang Pastoral Visit on-the-air.

Sinabi ng obispo sa pamamagitan ng online platform na nagsimula noong pandemya ay nakalikha ang simbahan ng ibang paraan para makipag-ugnayan sa mananampalataya.

Bukod sa misa, sinabi ni Bishop Gaa na maari din itong pagkakataon ng simbahan sa paglalagay ng iba pang makabuluhang ‘content’ sa social media tulad ng katesismo sa mga sakramento.

“Parang sa akin why deprive them that relationship that we already built-up while in fact, it has been effective and it continues to be an opportunity na magkaroon ng ibang content,” ayon pa kay Bishop Gaa.

Naunang ipinag-utos ng Diocese of Imus at Archdiocese of Manila sa mananampalataya ang pagbabalik sa pakikibahagi sa pagdiriwang ng misa sa mga parokya.

Ayon sa sirkular na inilabas ni Imus Bishop Reynaldo Evanghelista, ang kautusan ay ipatutupad simula sa April 2, Palm Sunday.

Sinasaad din sa liham ng obispo ang pagbawi sa kautusan noong July 2020 kaugnay sa Dispensation from Sunday Obligations of the Faithful during the Coronavirus Pandemic 2019.

Una na ring hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya ang personal na pagdalo sa pagdiriwang ng mga misa sa mga parokya.

Ang paanyaya ng kardinal ay kaugnay na rin sa paggunita ng simbahan ng panahon ng kwaresma at Mahal na Araw.

Sa loob ng nakalipas na tatlong taon, ipinatupad sa mga simbahan ang mga online masses dahil na rin sa panganib ng novel coronavirus pandemic.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 9,585 total reads

 9,585 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 64,572 total reads

 64,572 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 149,937 total reads

 149,937 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 196,674 total reads

 196,674 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 244,546 total reads

 244,546 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 345,331 total reads

 345,331 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 313,871 total reads

 313,871 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 419,969 total reads

 419,969 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top