Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 662 total views

Kapanalig, kapag Huwebes Santo, ating laging ginugunita ang huling hapunan ni Kristo kasama ang mga disipulo. Karaniwan, may aninag ng lungkot ang pagsasama-sama nila dahil matapos nito, si Hesus ay ipagkakanulo, na siyang hudyat at simula ng kanyang pagdurusa tungo sa Krus ng Kalbaryo.

Ang Huling Hapunan ni Kristo ay simbolo rin ng pag-asa, kapanalig. Dito sa hapag na ito, nakapag-piging siya kasama ang kanyang mga kaibigan. Sa hapag na ito, naitaguyod niya ang Banal na Eukaristiya, ang binhi ng ating pananalig, ang simula ng ating pagiging Simbahan.

Ang imahe ng Huling Hapunan, ang pagsasalo-salo natin sa hapag-kainan, ay simbolo rin ng pag-asa. Dito nararamdaman natin na hindi tayo nag-iisa. May komunidad tayong makakasama.

Ang komunidad at pakikiisa ay napakahalaga sa ating panahon ngayon kung kailan mas lumalala ang banta ng food insecurity hindi lamang sa ating bansa, kundi sa marami pang mga bansa sa buong mundo. Ang mabilis na pagtaas ng bilihin, ang pagmahal ng langis at enerhiya, pati nga mga pataba o fertilizer ay nagmahal ngayon – ang mga ito ay ilan lamang sa mga salik na nagpapalala ng food crisis sa buong mundo. Hindi pa man nakakabangon ang mundo sa pandemya, nag-usbungan na naman ang mga panibagong banta sa katiyakan sa pagkain. Ayon nga sa Food And Agriculture Organization ng UN, noong 2021, 828 million ang may “empty plates”  sa buong mundo – 828 milyong taong gutom. Sa Pilipinas naman, ayon sa survey ng World Food Programme noong Oktubre 2022, isa sa sampung kabahayan sa bansa ay food insecure, at karamihan sa kanila ay matatagpuan sa BARM, Region 8 at Region 12. Liban pa dito, 7 sa 10 kabahayan ang gumagawa ng iba ibang diskarte upang tugunan ang problema ng food insecurity. Pangungutang ang karaniwang paraan nila upang huwag magutom.

Kapanalig, sa panahon ngayon na marami ang nagugutom at naghihikahos, ang huling hapunan sana ni Kristo ay ating maging inspirasyon. Sa gitna ng pagkadami-daming hamon sa buhay natin, ang paniniguradong lahat tayo ay may pagkain sa hapag ay kongkretong paraan ng pakikiisa at komunidad.

Huwag sana natin makalimutan ang ating kapatiran at komunidad, kapanalig. Huwag maging makasarili.  Bilang Kristyanong Katoliko, dapat laging may pwesto ang nangangailangan sa ating hapag kainan. Paalala sa atin ng Evangelium Vitae, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan: Whenever our interior life becomes caught up in its own interests and concerns, there is no longer room for others, no place for the poor. God’s voice is no longer heard, the quiet joy of his love is no longer felt, and the desire to do good fades.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 22,835 total views

 22,835 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 45,987 total views

 45,987 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 116,101 total views

 116,101 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 190,715 total views

 190,715 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 269,156 total views

 269,156 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 22,836 total views

 22,836 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 45,988 total views

 45,988 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 116,102 total views

 116,102 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 190,716 total views

 190,716 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top