Luntiang espasyo kapalit ng konkreto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 481 total views

Mga Kapanalig, ngayong panahon ng tag-init, laging uminom ng tubig nang hindi ma-dehydrate. Iwasan din ang direktang sikat ng araw, lalo na sa tanghali, upang maiwasan ang heat stroke at iba pang epekto ng matinding init. Ilan ito sa mga payo ng PAGASA matapos ideklara noong Marso ang simula ng tag-init na inaasahang tatagal hanggang Mayo. 

Kapansin-pansin ang mas matinding init ng panahon nitong mga nakaraang taon. Para sa ating mga nasa kalunsuran, mas napapalala pa ang nararanasang init dahil sa tinatawag na urban heat island effect. Ito ang konsentrasyon ng init sa mga urban areas dala na rin ng mga imprastrakturang gawa sa semento, aspalto, at bakal na sumisipsip at nagbubuga ng init.  

Kaya naman, napakahalaga ang pagkakaroon ng green spaces sa ating mga siyudad katulad ng mga parke, planting strips, at community gardens. Ayon sa mga eksperto, may iba’t ibang benepisyo ang green spaces. Maliban sa positibong epekto ng mga ito sa physical at mental health, mayroon ding social at economic benefits ang mga green spaces. At syempre, hindi natin maikakaila ang environmental benefits ng mga ito. Alam naman nating ang mga puno at halaman ay tumutulong sa paglinis ng hangin at sa pagbawas sa baha. Pinabababâ rin ng mga ito ang temperatura sa urban areas. Kaya naman, itinuturing na essential ang green spaces sa pagpapabuti ng quality of life at pagpapanatili ng ecological balance. Ngunit dahil sa mabilis na urbanization, unti-unting napapalitan ng kulay abo ang mga luntiang espasyo sa ating mga lungsod.

Ang mga proyektong katulad ng road widening at construction sa kalunsuran ay ilan sa mga imprastrakturang pumapalit sa mga puno at halaman o kumakain ng mga espasyong maaari sanang gamitin para sa green spaces. Maraming pag-aaral na ang nagsasabing sa halip na masolusyunan ang problema sa trapiko, dumadami pa ang mga sasakyan kasabay ng pagdagdag ng mga kalsada. Ito ang tinatawag na induced demand. Ang pagdami ng mga kalsada at sasakyan ay lalong nakakaambag sa pagtaas ng temperatura at polusyon sa mga lungsod. 

Ayon sa pag-aaral ng Move As One Coalition, 99% ng pondo ng gobyerno para sa road-based transportation infrastructure mula 2010 hanggang 2021 ay napunta sa construction, widening, at maintenance ng mga kalsada. Samantala, 1% lang ang napunta sa road-based public transportation kahit na 70% ng mga gumagamit ng kalsada ay mga commuters na umaasa sa pampublikong transportasyon.

Sa halip na ilaan ang halos lahat ng pondo sa mga kalsadang mas pinapakinabangan ng mga may pribadong sasakyan, bakit hindi bigyang-prayoridad ang pampublikong transportasyon na pinakikinabangan ng mas marami? Halimbawa, sa usapin ng kontrobersyal na Pasig River Expressway (o PAREX), sa halip na magtayo ng napakamahal na highway sa ibabaw ng Ilog Pasig, bakit hindi i-develop ang Pasig River Ferry at ang mga espasyo sa tabing-ilog upang maging green spaces at bike lanes? 

Hamunin natin ang dominanteng modelo sa isinasagawang urban development: para kanino nga ba ang mga proyektong ito? Sa Caritas in Veritate, sinabi ni Pope Benedict XVI na ang pagkasira ng kalikasan ay konektado sa kulturang humuhubog sa lipunan. Sa tinatawag na car-centric culture kung saan mas pinapaboran ng mga patakaran sa transportasyon ang mga may pribadong sasakyan, naisasantabi ang kapakanan ng mga commuters. Unti-unti ring naglalaho ang mga luntiang espasyo kapalit ng mga konkretong imprastraktura. 

Mga Kapanalig, wika nga sa Job 14:7, ang “kahoy na pinutol ay may pag-asa, muli itong tutubo at magsasanga.” Hindi pa huli ang lahat upang ibalik ang mga luntiang espasyo sa ating mga lungsod. Sa munti nating paraan, patuloy nating itaguyod ang karapatan natin sa mabuting kalidad ng buhay, isang buhay na nakaugnay sa kalikasan at inklusibong lipunan. 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,930 total views

 14,930 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,944 total views

 64,944 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 60,813 total views

 60,813 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,940 total views

 96,940 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,959 total views

 104,959 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,931 total views

 14,931 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,945 total views

 64,945 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 60,814 total views

 60,814 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,941 total views

 96,941 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »
Scroll to Top