Nutrisyon para sa malusog na populasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,016 total reads

Mga Kapanalig, nakababahala ang resulta ng isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund (o UNICEF) na nagpapakitang ang mga batang Pinoy ay mas kumakain ng matatamis, maaalat, at matatabang pagkain sa halip na mga masusustansyang pagkain.  

Ayon sa report na pinamagatang Children’s lived experience of the food environment, nakaaapekto ang kapaligiran ng mga bata sa uri ng pagkaing pinipili nila. Isa lamang sa apat na batang Pinoy edad 13 hanggang 17 ang kumakain ng gulay nang tatlong beses sa isang araw. Samantala, mahigit isa sa bawat apat naman ang umiinom ng softdrinks araw-araw. Ang pagkain ng hindi masusustansyang pagkain ay sanhi ng tatlong problemang pangkalusugan: ang malnutrition (partikular ang kakulangan ng nutrisyon o undernutrition), micronutrient deficiencies, at pagiging overweight. 

Samantala, sa inilabas na survey ng Social Weather Stations (o SWS) na isinagawa noong Disyembre 2022, kakaunti lamang ang kumakain ng home-produced o galing mula sa mga tanim o alagang hayop sa kanilang bakuran. Pitong porsyento ng pamilyang Pilipino ang home-produced ang kanilang pagkain. Gaya ng inaasahan, matatagpuan sila sa kanayunan o rural areas. Sa parehong survey ng SWS, lumalabas na isa sa bawat 10 pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom dahil wala silang makain. Ito ang tinatawag na involuntary hunger. 

Bagamat hindi nagdudulot ng kagutuman ang hindi pagtatanim o hindi pag-aalaga ng hayop para sa sariling pagkain, nakita rin sa survey ng SWS na mas maraming pamilyang hindi nakaranas ng gutom ang nagsabing sarili nilang tanim o alaga ang pinanggalingan ng kanilang pagkain sa mesa. Ibig sabihin, maaaring malabanan ang gutom sa pamamagitan ng pag-home produce ng mga pagkain, lalo na sa mga lugar na maraming nagugutom. Kailangan nila ng suporta upang makapagtanim o makapag-alaga ng sarili nilang hayop. 

Inilunsad ng pamahalaan nitong nakaraang buwan ang Philippine Multisectoral Nutrition Project upang labanan ang malnutrisyon. Mayroon itong sampung bilyong pisong pondo upang magpatupad ng mga programang pangkalusugan sa 300 na munisipalidad. Sa paglulunsad ng programa, sinabi ni Pangulong BBM na kinikilala ng kanyang administrasyon ang pangmatagalang epekto ng malnutrisyon ng mga bata sa pag-unlad ng ating bansa. Aniya, kailangang lutasin ang malnutrisyon upang malabanan ang negatibong epekto nito sa pagkatuto at pagiging produktibo ng kabataang Pilipino sa hinaharap.  

Napapanahon ang hakbang na ito ng pamahalaan upang palakasin ang nararapat na pagtugon sa kakulangan ng nutrisyon. Gaya ng sinabi ng UNICEF, paglabag sa karapatang pambata ang malnutrisyon dahil mayroon itong pangmatagalang epekto sa kalusugan at pag-unlad ng bawat bata. At sa kabuuan, may epekto ito sa kanyang magiging ambag sa lipunang kanyang kinabibilangan. Mahalagang bigyang-diing hindi lamang ito pamumuhunan sa nutrisyon ng bawat bata; pamumuhunan din ito sa pag-unlad ng populasyon na siyang pundasyon ng pag-unlad ng ating bansa.  

Naniniwala ang ating Santa Iglesia na mahalaga ang pagkamit natin ng tamang nutrisyon. Nakalulungkot na hindi ito nangyayari sa maraming lugar. Sa mensahe ni Pope Francis sa World Food Day noong 2019, ipinalala niyang ang hindi tamang nutrisyon ay hindi lamang bunga ng mga bagay na sobra o excess kundi bunga rin ng mga kakulangan o deficiencies. Ang mga kakulangang ito ay bunga ng mga hindi patas na access sa pagkain lalo na ng mga kapatid nating dukha. 

Mga Kapanalig, biniyayaan tayo ng Diyos ng mga halaman at hayop upang tayo ay mabuhay. Kaya naman, maging maingat dapat tayo sa pagkonsumo nang mapakinabangan natin ang nutrisyon mula sa mga prutas, gulay, at isda. Dapat din tayong maging mabuting ehemplo sa mga bata, kahit pa sa pagkain ng masusustansyang pagkain. Sa ganitong paraan, wika nga sa 1 Corinto 10:31, nagagawa nating gawin ang lahat—pati sa pagkain at pag-inom—sa ikararangal ng Diyos.” 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 115,864 total reads

 115,864 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 150,541 total reads

 150,541 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 173,111 total reads

 173,111 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 209,598 total reads

 209,598 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 220,625 total reads

 220,625 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 115,865 total reads

 115,865 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 150,542 total reads

 150,542 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 173,112 total reads

 173,112 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 209,599 total reads

 209,599 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top