Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 297 total views

Homiliya para sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay, 23 Abril 2023, Luk 24:13-35

Ang Gospel reading natin ngayon ay magandang pagkuhanan ng inspirasyon lalo na ng mga Katolikong sumisiryoso na sa pagbabasa ng Bible. Nagpakita daw si Hesus sa dalawang alagad na patungong Emmaus. Pinaliwanagan daw sila ng mga bagay na may kinalaman sa mga nangyari kay Hesus ayon sa Banal na Kasulatan. In short, nag-Bible study sila. At mukhang feeling bitin pa sila kaya niyaya pa siya na samahan daw sila sa hapunan para daw maituloy pa nila ang bible study. Hindi nila alam na ang ka-bible study nila ay si Hesus na pala mismo!

Kababalik ko pa lang kanina galing sa Argentina para sa plenary assembly ng CBF (Catholic Biblical Federation). Galing kami sa iba’t ibang mga bansa ng Africa, Asia, Latin America, Europa, Oceania at Middle East. Ang topic namin ay “Ang Salita ng Diyos bilang Regalo ng Buhay sa Marupok na Daigdig.” (Tatlong anyo ng karupukan: karupukan ng iisang daigdig na tahanan natin,karupukan ng mga lipunan ng mga tao na kayang bulabugin ng isang virus, at karupukan din ng simbahan kung saan magkahalo ang kabanalan at kasalanan, ang pagiging totoo at pagiging ipokrito.)

Ang paulit-ulit kong narinig na hangarin ay “animation of all pastoral work with the Word of God.” Na ang bawat Katoliko ay masanay at matutong humugot ng liwanag at inspirasyon mula sa Bibliya para sa lahat ng gawaing pastoral ng simbahan, liwanag para sa ating misyon sa daigdig. Katulad ng itinuro ng Panginoong muling nabuhay sa dalawang alagad na tumiwalag, nag-iba ng lakad at tumatakas patungong Emmaus.

Medyo palabiro ang dating ng Panginoon sa ating pagbasa. Sumabat sa usapan, sumabay sa lakad ng dalawa at nakipagkwentuhan. Kinwentuhan nila siya tungkol sa akala nila’y nabigong misyon ni Hesus na nasintensyahan ng parusang bitay sa krus, sa Jerusalem. Biro nyo—hindi nila alam na ang kinukuwentuhan nila tungkol sa mga nangyari kay Hesus ay si Hesus pala mismo? Talagang pag masyadong nadidiliman ang tao sa mga nangyayari sa buhay niya, hindi nila makikita kung paano gumagalaw ang Diyos sa buhay nila. Akala nila natapos ang lahat sa pagkamatay niya sa krus.

Ito naman talaga ang dahilan kung bakit linggo-linggo, binabasa natin ang bibliya sa Misa para mahugutan ng liwanag sa pagharap natin sa maraming madidilim na karanasan sa buhay. Para matuto tayong magkwento nang tama—kuwentong may kuwenta, kuwentong may happy ending. Minsan kasi akala natin sa mga eksperto lang tayo pwedeng matutong magbasa ng bible; akala kasi natin kailangan nating magpakadalubhasa sa bible para ma-interpret natin nang tama ang mga binabasa natin. Hindi pala iyun ang importante. Ang iniinterpret pala natin ay hindi ang bibliya mismo kundi ang mga karanasan natin, ang mga pinagdadaanan natin. Ang inuunawa natin ay ang buhay sa liwanag ng salita ng Diyos.

Noong Year of Saint Paul, nag-save ng pera ang mga kasamahan ko sa isang bible study group para magpilgrimage sa Turkey at Greece. Nagkataon na Muslim ang tour guide namin kaya hindi siya gaanong pamilyar sa mga ancient biblical places na gusto naming dalawin. Mahusay siya tungkol sa history ng Hellenistic, Roman at Ottoman empires pero kakaunti ang alam tungkol sa mga early Christian communities na dinalaw ni St Paul sa Turkey na tinawag na Asia Minor, tulad ng Ephesus, Troas, Lystra, Miletus, Derbe, at Iconium at mga lugar sa Greece tulad ng Corinth at Thessalonica, na binabanggit sa book of the Acts of the Apostles.

Kaya dinadagdagan ko nang konti ang paliwanag kapag tungkol sa biblical history. Ok lang naman sa kanya, pagkatapos niyang magpaliwanag, tinatawag niya ako para basahin ang mga biblical passages na konektado sa mga dinadalaw namin at magbigay ng paliwanag.

Noong nasa Corinth kami, binasa ko ang 1Cor 13 tungkol sa love na madalas gamitin bilang pagbasa sa mga kasalan. Napansin ko na attentive siya; nagte-take note pa siya. Pagkatapos ng parte ko, lumapit siya at sabi niya—sino daw ang nagsulat ng binasa ko at saan matatagpuan ang libro nya?

Sabi ko, sa Bible, sacred book ng mga Kristiyano, kung paanong ang Koran ang sacred book ng mga Muslim. Sabi niya, hindi rin siya practicing Muslim, kaya walang ring gaanong alam sa religious literature. Dahil may dala akong extrang bible, niregalo ko na lang ang isa sa kanya. Ang saya-saya niya. Paki-markahan ko daw kung anong page yung binasa ko. Sabi ko, ang tinatandaan namin ay chapter at verse number. Kaya tinuruan kong maghanap ng chapter at verse.

Tinanong ko kung bakit interesado siya sa binasa ko sa 1Cor 13 tungkol sa pag-ibig. Sabi niya, kadidivorce lang nilang mag-asawa. Siya daw ang nasa isip niya habang binabasa ko yung parteng “love is patient, love is kind, love is not rude, not self-seeking, not arrogant…” Parang naisip daw niya—nawalan ng meaning ang buhay niya mula nang hiwalayan niya ang asawa niya. Pero ngayon, sa tingin niya hindi pa huli ang lahat. Pwede pa siyang bumawi, humingi ng tawad, kahit hindi sila magkabalikan. Pero ibig daw niya na magkabalikan sila at susundin ang payo ni San Pablo tungkol sa pag-ibig.

Ang tindi talaga ng dating ng salita ng Diyos. Sabi nga sa sulat sa mga Hebreo, “mas matalim daw ito sa isang itak na kabilaan ang talim, humihiwa sa kaluluwa at kalooban, kayang kilatisin at basahin ang nakatago sa puso.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 32,687 total views

 32,687 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 40,168 total views

 40,168 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 53,308 total views

 53,308 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 59,281 total views

 59,281 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 65,034 total views

 65,034 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 1,484 total views

 1,484 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 1,485 total views

 1,485 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 4,239 total views

 4,239 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,654 total views

 8,654 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,980 total views

 3,980 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 4,503 total views

 4,503 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 6,002 total views

 6,002 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,846 total views

 6,846 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 5,101 total views

 5,101 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 9,314 total views

 9,314 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,546 total views

 8,546 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,756 total views

 12,756 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 6,204 total views

 6,204 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 6,208 total views

 6,208 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 6,208 total views

 6,208 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top