Urban poor, nalungkot sa pagbibitiw ni Robredo sa gabinete

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 318 total views

Ikinalungkot ng urban poor communities ang pagbibitiw ni Vice President Leni Robredo bilang chairman ng Housing Urban and Developing Coordination Council o HUDCC matapos siyang pagbawalan na dumalo sa mga cabinet meetings.

Ayon kay Sikap Laya Incorporated chairman Rev. Fr. Pete Montalla, isang malaking kawalan sa kanilang hanay si Vice President Robredo lalo na sa pagmamalasakit nito sa mga programang makatutulong sa mga maralitang taga – lungsod.

“We need somebody na may puso sa mga mahihirap akala ko yun na yung magiging sagot nung abala ni Digong na siya raw ay para sa mga mahihirap. Pero masyadong nalulungkot ako na sa tingin ko ngayon ang pinakamalapit sa consent ng mga mahihirap ng kinabukasan na bigla nalang siya tinanggal,” bahagi ng pahayag ni Fr. Montallana sa panayam ng Veritas Patrol.

Pinayuhan naman ng urban poor advocate priest si Robredo na ipagpatuloy lamang ang pagtulong sa mga mahihirap lalo na sa pag – oorganisa na igiit ang kanilang pangangailangan at karapatan na manirahan sa siyudad.

“Ang payo ko sa kanya ay tulungan kami sa pag – oorganisa ng mga mahihirap kasi kailangan namin ng pagkakaisa ng mga mahihirap para kanilang karapatan ay maigiit. Dahil marami ngayong nag iisip na ang pinaka – solusyon ng mga mahihirap ay i – demolish lang ang kanilang mga bahay na itapon sila sa mga location sites. Hindi nila nakikita yung kahalagahan ng trabaho na tao iyong idinedemolish at kailangan nila ng hanap – buhay,” giit pa ni Fr. Montallana sa Radyo Veritas.

Iginiit rin ni Fr. Montallana ang nauna na ring naobserbahan ni Robredo na kakulangan sa tubig at potable water sa mga relocation sites na pinaglilipatan ng mga dinedemolish na mga urban poor.

“Maganda iyong kanyang real concern na nakikita niya iyong kalagayan ng mga mahihirap sa pangangailangan ng tubig kasi hangga’t hindi ka lumulubog sa mga tao na talagang nakikipag – usap na sincere ang desisyon kasama ng mga tao mahirap makita iyong kalagayan ng mga mahihirap. Mga judgment lang nakikita mula sa taas na sila ay mga tamad hindi nakikita iyong kaapihan na dinaranas nila. Ako’y saludo sa kanyang inisyatib sa mga maralita,” pahayag pa ni Fr. Montalana sa Rdayo Veritas.

Nabatid mula sa ulat ng NHA o National Housing Authority na mula sa 29, 661 kabahayan na nakumpleto para sa mga biktima ng kalamidad tanging 4, 278 lamang ang na-oocupy o halos 2-porsyento ng kabuuang mahigit na 200 libong kabahayan na kailangan.

Kaisa ang Radyo Veritas ay pinapalakas nito ang hangarin na matulungan ang mga urban poor sa tulong ng SILAI.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 30,649 total views

 30,649 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 52,654 total views

 52,654 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 76,996 total views

 76,996 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 100,608 total views

 100,608 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 134,087 total views

 134,087 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 19,211 total views

 19,211 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 235,931 total views

 235,931 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top