Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total reads

Homiliya ara sa Hwebes sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-4 ng Mayo 2023, Juan 13:16-20

Isa sa mga bagay na kailangang harapin at tanggapin sa samahan ng mga alagad ni Kristo ay ang mga okasyon ng pagtatalo at di-pagkakaunawaan. Minsan kasi akala natin laging napaka-“ideal” ng pagsasama ng mga early Christian communities. Tipong niro-romanticize tuloy natin sila. Katulad ng description ni San Lukas sa Acts 2,42-47 at Acts 4,32-35. Ang mga alagad daw sa Jerusalem ay nagkakaisa ng puso’t diwa, kusa daw silang nagbabahaginan ng lahat ng meron sila para walang mapabayaan sa kanila. Totoo ba ito? Minsan oo, minsan hindi. Marami ding hinarap na aberya ang mga early Christian communities, katulad ng mga pagtatalo na humantong sa pagkakatatag ng ministry ng mga diyakono—para daw maging patas ang bahaginan nila dahil nga merong mga balo na napapabayaan sa kanilang komunidad. (Acts 6:1-7)

Si San Pablo nga hindi naman siya tanggap kaagad ng ilan sa mga apostol sa Jerusalem noong una. At si San Pedro, kahit pa siya ang pinili ni Hesus na mamuno sa kanila, minsan sinasapawan siya ng iba, katulad ni James na pinsan daw ni Hesus, na napaka-adelantado ang dating at medyo assertive ng kanyang otoridad. (Gal 2:11-14)

Kung uso na ang labeling noon, baka tinawag na “ultra-conservative” itong si James na kamaganak ni Hesus at “liberal” o “progressive” itong si Paul. Nagbabatuhan din sila ng batikos sa isa’t isa. At kung meron na sigurong social media noon, baka kung ano-ano rin ang pinagpo-post nila laban sa isa’t isa, tulad ng madalas mangyari ngayon.

Parang ganoon din ang dating ni Mark (a.ka. John Mark) sa ating first reading ngayon sa Acts of the Apostles. Narinig natin sa kuwento kung paano nauwi ang pagtatalo sa paglayas ni Markos sa mission team na pinamumunuan ng pinsan niyang si Barnabas (Acts 13:13). Sabi ni San Lukas, basta na lang sila iniwan na walang paalam sa may bayan ng Pamphylia. Saan ba siya nagpunta? Sa Jerusalem daw. Ang tanong ko ay, “Bakit sa Jerusalem siya tumuloy, gayong sa Antioch sa Syria doon sila nanggaling? Ah, ang suspetsa ko ay nagsumbong siya sa mga otoridad doon, siguro kina James at Peter.

Sa Gospel meron ding tension, tungkol naman kay Hudas Iskariote. Kasalo mo sa pagkain, pagkatapos siya pala ang mananaksak sa likod mo. Sabi nga ng kasabihang Pilipino, “Parang ahas na matapos mong pakainin, ikaw pala’y tutuklawin.” Sa buhay ni San Pablo, parang si Markos ang pumapel na Hudas noong una. Pero di tulad ng kuwento ni Hudas na matatapos sa trahedya, ang kuwento ni Markos ay sa happy ending matatapos. Bakit? Dahil nakialam si San Pedro. Namagitan siya.

Noong una, medyo trahedya ang dating ng kuwento. Nahati ang misyon, para bang nagsaulian ng kandila sina Paul at Barnabas dahil kay Mark. (Acts 15:37) Naghiwalay sila ng landas. Gusto kasing isamang muli ni Barnabas sa pangalawang misyon si Mark, pero umayaw si Paul. Ba’t daw ba isasama pa siya e nilaglag sila at nilayasan sa unang misyon? Naghiwalay tuloy ng misyon si Paul, naghanap ng ibang kasama. Ano ba ang nagpatindi sa tensyon na ito?

Ito ang isyu nila: kailangan bang maging Hudyo muna bago maging Kristiyano ang mga Hentil? Bibinyagan din ba ang mga hindi-Hudyo kung tanggapin din nila ang Mabuting Balita ni Kristo? (Acts 15) Ito ang isyu na pinagmulan ng pinakaunang matinding krisis na hinarap ng mga unang Kristiyano. At si Pedro ang namagitan.

Ayon sa kuwento, kinupkop ni Pedro si Mark, isinama sa misyon (1 Peter 5:13). Inilayo muna sa impluwensya ng mga ultra na tulad ni James. Nagsilbing parang referee si Peter. Kaya siya ang simbolo ng pagkakaisa sa Roman Catholic Church—ang luklukan ni San Pedro, ang tinatawag natin pontifex maximus: dakilang tagapamagitan (supreme bridge-builder).

Ganito ang iniimagine kong mensahe ni San Pedro nang mamagitan siya sa pagtatalo sa pagitan ng mga kakampi ni Paul at mga kakampi ni James (kasama na si Mark): “Mag-usap tayo. Makinig naman tayo sa isa’t isa. Huwag nating basta itapon o ilaglag ang isa’t isa. Makinig tayo sa Espiritu Santo para matuto tayong makilakbay sa isa’t isa. Tukuyin ang mga bagay na pwedeng pagkaisahan, respetuhin ang pagkakaiba, sa lahat ng pagkakataon, pag-ibig ang paghariin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 115,831 total reads

 115,831 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 150,508 total reads

 150,508 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 173,079 total reads

 173,079 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 209,566 total reads

 209,566 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 220,596 total reads

 220,596 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BASBAS NI NANAY

 10,319 total reads

 10,319 total reads Homiliya para sa araw ng paggunita sa kapistahan ni Santa Monica, ina ni San Agustin, 27 ng Agosto 2026, 1 Cor 1,1-9; Mateo

Read More »

THE “SON OF MAN”

 15,313 total reads

 15,313 total reads Homily for the 21st Sunday in Ordinary Time, 23 August 2026 Matthew 16:13–20 We need to do a little Bible study for a

Read More »

LOVE YOUR NEIGHBOR AS YOURSELF

 12,104 total reads

 12,104 total reads Homily for the Last Day of the Novena Mass of Mary the Queen Parish, Friday, 21 August 2026 Ezekiel 37:1–14; Matthew 22:34–40, Votive

Read More »

SINO?

 24,042 total reads

 24,042 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »
Scroll to Top