Pamamahagi ng condom, pagsasayang ng pera ng bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 600 total reads

Edukasyon at impormasyon ang kailangan upang labanan ang paglaganap ng HIV and AIDS at hindi ang pamamahagi ng condom sa mga paaralan na pagsasayang ng pera ng bayan.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, ang pamamahagi ng condom sa mga estudyante ay magtutulak lamang sa kanila na makipagtalik na isang immoral na gawin sa mga taong hindi kasal.

Dagdag ng pari, pagsasayang ng pera ng bayan ang hakbang na ito ng Department of Health dahil ang condom kahit hindi ipamahagi ng libre, ito ay nabibili over the counter sa murang halaga.

Sa halip, ayon kay Fr. Secillano, dapat mag-invest ang pamahalaan sa impormasyon na maging tapat sa kapareha o asawa, mapanganib ang pakikipagtalik sa ibat-ibang kapareha, maging sa kapareho ang kasarian.

“Now young assessment and realistic hindi naman lahat ng estudyante makikipagtalik ng ganun ganun, eh yung mga estudyante na hindi makikipagtalik ano ang gagawin nila sa condom, paglalaruan nila gagawin nilang balloon, so anong ibig sabihin nito, sayang ang pondo. Milyon milyong piso ang gagamitin nila, yung mga ahensiyang ito sila din ang nagsasabi na need ang education, mainform ang tao, sanayin sila, yun naman pala nakikita nila na mabisang pamamaraan so why not invest in this kind of campaign na maiparating sa mga tao lalo na sa mga kabataan na there are risk in engaging in sexual intercourse ng ganun ganun na lang especially having multiple partners and that condom itself cannot actually reduced the risk or maybe eradicate the problem? Yan ang dapat tutukan ang panganib, kahit mamigay ka pa ng sangkaterbang condom parang obvious na dati, andiyan na yan, and yet wala rin namang nangyayari kahit everywhere ang condom,” pahayag ni Fr. Secillano sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, hinimok din ng pari ang pamahalaan na tutukan ang sektor ng LBGT Community lalo na at malaking porsiyento ng may HIV and AIDS ay mga bakla.

“Tutukan din ang mga biktima na mga lalaki o gay, dito pa lang din dapat yung sektor na yan tinututukan ng maigi, sa palagay mo ba sa pakikipagtalik nila sa kanilang partner gagamitin nila nito in one sitting, how many times are they going to use that, so wala ring epekto ang ibinibigay nilang isa o dalawang condom. So education ang mabisang kampanya, mag-invest na lang sila dito at ito ay tinukoy na ng WHO at ng DOH na epektibo,” dagdag ng pari.

Naniniwala ang pari na nakukuha ang nasabing sakit sa sporadic sexual activity, kayat aktibo ang Simbahan sa kampanya na ABC o Abstinence, Be faithful at Conversion of heart to the value of love and sacredness of sex as a gift of God in marriage.

“Ang problema dito hindi talaga ang condom kundi ang sporadic sexual activity, mas matindi ito, dun nila nakukuha yan sa multiple partners, kung kani-kanino sila nakikipagtalik, so realsitic pa naman ang tinuturo ng Simbahan (abstain from engaging sexual intercourse, be faithful to your partners, at kinuha na ng secular world, yung ABC na abstinence, being faithful at ginawa nila ang C na condom. Hindi naman ang Simbahan ang gumawa ng abc kundi ang secular na mundo. Sa makatuwid effective pa rin naman na mag-abstain ka at tapat sa iyong kapareha,” ayon pa kay Fr. Secillano.

Sa datus ng Department of Health, 25 Filipino kada araw ang nagkakaroon ng sakit na HIV and AIDS mula noong Mayo ngayong taon habang simula 1984 hanggang October 2016 umabot na sa 38, 114 ang kaso nito sa Pilipinas kung saan 10, 279 dito ay mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24 ang biktima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 20,209 total reads

 20,209 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 54,519 total reads

 54,519 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 91,001 total reads

 91,001 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 109,213 total reads

 109,213 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 192,468 total reads

 192,468 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,659 total reads

 216,659 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,865 total reads

 355,865 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top