Pagpapabuti sa kalagayan ng mga magsasaka, apela ng EOF sa pamahalaan at pribadong sektor

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,728 total reads

Hinimok ng kinatawan ng Economy of Francesco (EOF) Movement sa Pilipinas ang pamahalaan at pribadong sektor na paigtingin ang pagtutulungan sa pagpapaunlad ng agrikultura ng bansa.

Ito ang mensahe ni Viory Janeo – EOF Advocate at Faculty staff ng University of Asia and the Pacific bilang pakikiisa ngayong buwan ng National Farmers and Fisherfolks month.

Ayon kay Janeo, sa pagkakaisa ng mga Non-Government Organization (NGO’s), pribadong sektor at pamahalaan ay maisasakatuparan ang modernisasyon sa kagamitan ng mga magsasaka at mangingisda na magpapaunlad sa kanilang kabuhayan.

“We hope to see private and public initiatives aligned to help generate better production processes and create more value for the products that they produce, appropriate support that will promote their and their family well-being, and their dignity as noble workers by giving them reasonable and just wage and /or by helping them sell their products at the right price,” mensahe ni Janeo sa Radio Veritas.

Umaasa din si Janeo na magkaroon ng mga programang i-uugnay ang mga manggagawa sa agrikultura na maging bahagi ng financial market upang magkaroon ng kaalaman sa pagnenegosyo at financial literacy.

Pinapa-igting naman ng EOF Philippines ang pagsusulong ng agrikulturang pinalalago ang kita ng mga manggagawa na hindi sinisira ang kalikasan.

Sa paggunita ng National Farmers and Fisherfolks month ay hinimok ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari at HAPAG-ASA Integrated Nutrition Program ang mamamayan at pamahalaan na magkaisa upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura na pangunahing lumilikha ng pagkain ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 190,857 total reads

 190,857 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 261,330 total reads

 261,330 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 294,779 total reads

 294,779 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 330,079 total reads

 330,079 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 548,901 total reads

 548,901 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top