Simbahan, hindi kumbinsido sa “one-time bigtime” financial assistance

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,348 total views

Layunin ng Simbahang Katolika na tulungang umunlad ang buhay ng mga mahihirap hindi lamang sa pagbibigay ng one-time big-time na financial assistance.

Ito ang tiniyak ni Jing Rey Henderson – Communication and Partnership Development Unit Coordinator ng Caritas Philippines sa pagpapatuloy ng mga adbokasiya ng Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ayon kay Henderson, sa tulong ng mga existing programs ng Caritas Philippines tulad ng Self Help Groups, Bamboohay, Bahay-kubo at Busog program ay nakakalikha ng mga trabaho o kabuhayan sa mahihirap na sektor sa bansa.

Sinabi ni Henderson na tinutulungan ng simbahan ang mga mahihirap at nasalanta ng kalamidad na magkaroon ng magkaroon ng kabuhayan na maari nilang mapaunlad sa kinalaunan.

“Kasi kinakailangan na maimulat (ang mga benipisyarto) na dapat lalung-lalu na yung food security at sovereignity ay kinakailangan at pangunahin na tungkulin ng pamilya, pwera sa gobyerno at pwera sa simbahan so kinakailangan at pwede nila iyong maitransform into something na una ay magagamit nila bilang pagkain at pangalawa mapagkakakitaan din nila yung mga ibinibigay natin sa kanila,” bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Henderson.

Ibinagi rin ng opisyal na sa tulong ng mga inisyatibo ng Caritas Philippines ay naging suppliers na ng gulay at ibang uri ng pananim sa mga pamilihan ang mga natulungan ng Social Arm ng CBCP na magkaroon ng sariling community gardens.

Pinaigting din ng Caritas Philippines ang Farm-to-Market Approach upang agad na maibenta ng mga mangingisda at magsasaka ang kanilang produkto na hindi na dumadaan sa mga middle-men.

“Hindi one time na bibigyan natin ng pondo para doon sa kanilang mga activities kungdi may mga kasama itong mga trainings, ibig sabihin itine-train natin, at saka mga formation, lalung-lalu na doon sa mga kababaihan at kanilang mga pamilya, pagkatapos ng organizing ay papasok na yung family formations sessions natin, afterwards mayroon tayong tinatawag na mga self- help groups, ito ay mobilization natin para magkaroon ng savings,” paglilinaw ni Henderson sa Radio Veritas.

Sa datos ng Caritas Philippines, ang mga nabanggit na programa ay magkakahiwalay na ipinapatupad sa 60-diyosesis sa Pilipinas kung saan umaabot sa 250 hanggang 500 pamilya ang nagiging bahagi nito.

Pinakamalaking bilang ng mga natulungan at patuloy na nakakatatanggap ng livelihood programs ay ang Lipa Archdiocesan Social Action Center na mahigit sa limang libong pamilya.

Sa kasalukuyan, inihayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinag-aaralan ng pamahalaan na gumawa ng “food stamp” program para sa mga pinaka-mahirap na Pilipino sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suriin ang panawagan ng protesta

 7,452 total views

 7,452 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 102,510 total views

 102,510 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 124,573 total views

 124,573 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 140,066 total views

 140,066 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 145,660 total views

 145,660 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top