EJK, nagiging state sponsored killings na?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 354 total reads

Ang pananahimik ng pamahalaan at hindi pagbibigay ng konkretong solusyon sa talamak na pagpatay at Extra judicial Killings sa lipunan ay maaring ituring na pagbibigay ng basbas sa mga nagaganap na karahasan.

Ayon kay Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) Vice Chairman Fr. Eduardo Apugan, nagdudulot ng maling pananaw at interpretasyon sa mamamayan ang kawalang aksyon ng pamahalaan lalu na ang pagsuporta ng Pangulong Duterte sa pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

“Para sa amin, itong pagpapakitang marahas ng gobyerno ay nagkaroon siya ng programa na peace and order pero ang nakikita namin dito ay naging programa ng killings, nandiyan yung extra judicial killings, extra legal killings, vigilante killings, itong lahat ng ito ay maituturing natin na sa kawalan ng pagbibigay ng atensyon dito ay nagiging state sponsored killings, in fact yung extra judicial killings ang pananahimik ng gobyerno tungkol dito at walang pagbibigay ng solusyon and in fact ang pagsasabi niya na “it’s time to kill criminals” yung mga statement ng isang Presidente ay parang isang pagpapahayag na kung saan nagiging isang state policy ito,” pahayag ni Father Apugan sa Radio Veritas.

Batay sa pinakahuling tala ng Philippine National Police noong ika-23 ng Nobyembre, umaabot na sa higit 4,600 ang bilang ng mga nasasawi sa patuloy na War on Drugs ng pamahalaan kung saan sa bilang na ito nasa 1,959-ang napatay sa gitna ng operasyon ng mga pulis habang aabot naman sa 2,646 ang bilang ng mga biktima ng summary execution sa buong bansa.

Sa kabila nito, naunang inihayag ng PNP at maging ng Philippine Drug Enforcement Agency na nasa higit 3 milyon pa ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Magugunitang, bagamat una nang nagpahayag ng pagsuporta ang Simbahang Katolika sa layunin ng kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga ay binigyang diin nitong hindi nararapat malabag ang anumang karapatan ng mga mamamayan higit sa lahat kumitil ng buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 65,241 total reads

 65,241 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 97,845 total reads

 97,845 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 199,671 total reads

 199,671 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 240,229 total reads

 240,229 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 258,029 total reads

 258,029 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 52,135 total reads

 52,135 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top