Bayang walang pinagkatandaan?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,084 total reads

Mga Kapanalig, ayon sa Spanish-American philosopher na si George Santayana, “Those who cannot remember the past are condemned to repeat it.” Madali lang maunawaan ang mensahe ng pangungusap na ito: ang mga hindi natututo sa nakaraan ay uulitin ang mga kamalian nito. 

Kasama ito sa mga ikinababahala ni Ginoong Antonio Calipjo Go sa inilabas niyang position paper matapos niyang i-review ang Draft Shaping Papers of the Revised Curriculum Guides for Kindergarten to Grade 10 ng Department of Education (o DepEd). Si Ginoong Go ay kilala sa kanyang krusada upang itama ang mga mali sa mga textbooks na ginagamit ng ating mga mag-aaral.  

Sa pagre-review niya ng planong pagbabago sa curriculum ng DepEd, nagtuklasan niyang ang history o kasaysayan ay ipapaloob sa subject na tatawaging SIKAP o Sibika, Sining, Kultura, Kasaysayan, and Kagalingang Pangkatawan. Ang kasaysayan ng Pilipinas ay ituturo kasabay ng mga minor subjects sa Grade 5 at 6. Ang mga paksa naman tungkol sa Martial Law sa ilalim ng diktaduryang Marcos ay ituturo sa mga nasa Grade 6, at hindi na ito mauulit o mapapalalim pa pagtungtong nila ng high school. Delikado ito ayon kay Ginoong Go dahil palalabnawin nito ang kahalagahan ng kasaysayan.

Ang pag-aaral ng kasaysayan ay nakatutulong sa ating maunawaan at harapin ang mga masalimuot na tanong bilang isang bayan sa pamamagitan ng pagsusuri kung paano hinubog (at patuloy na hinuhubog) ng nakaraan ang ating kasalukuyan at ang ating hinaharap. Tinuturuan tayo ng ating nakaraan tungkol sa ating kasalukuyan. Binibigyan tayo ng kasaysayan ng mga aral upang masuri at maipaliwanag ang mga naging problema noon, at sa tulong ng mga ito, mas magagawa nating unawain at lutasin ang mga problema natin sa kasalukuyan at sa hinaharap. Sabi nga ni Pope Francis, ang kasaysayan, kung marubdob nating pag-aaralan, ay maraming ibibigay na aral sa kasalukuyan nating lipunang uhaw sa katotohanan, kapayapaan, at katarungan. 

Ang pagpapahalaga sa kasaysayan ay dapat na nagsisimula sa maagang edad at dapat na nagpapatuloy. Dito nagiging malaki ang papel ng ating mga guro at ang curriculum na gagabay sa kanila upang hubugin ang isipan ng ating kabataan. Ngunit kung ang kasaysayan ay hindi pinahahalagahan sa ating mga silid-aralan, paano pa matututo mula sa mga aral ng nakaraan ang kabataang kinabukasan ng ating bayan? 

Marami nang pahiwatig na bigo tayong matuto sa ating kasaysayan. Ibinoboto pa rin natin ang mga pulitkong pansariling interes lamang ang inuuna, kahit na pinatalsik natin ang ilan sa kanila dahil sa lantarang kasakiman at pang-aabuso sa kapangyarihan. Pinapalakpakan pa rin ng marami sa atin ang mga paglabag ng ating awtoridad sa mga karapatang pantao, kahit pa naghahanap pa rin ng katarungan ang mga naulila ng mga pinapatay noong panahon ng diktadurya. Hindi tayo umaalma sa panghihimasok ng mga dayuhang interes sa ating bansa, kahit pa ilang beses nating sinubukang kumawala sa tanikala ng kanilang kontrol at impluwensya. 

Nakalulungkot na mistula tayong isang bayang walang pinagkatandaan, isang bayang hindi natututo sa mga aral ng nakaraan. At nakatatakot na baka maging bayan din tayong walang mararating. Maaaring maiwasan natin ito kung bibigyang-halaga sa curriculum ng ating mga pampublikong paaralan ang kasaysayan. Mungkahi nga ni Ginoong Go, ang kasaysayan ay dapat na ituro at pinalalalim sa high school kung saan inaasahang magiging mas kritikal, mas mapanuri, at mas matalino ang mga estudyante sa mga natatanggap nilang kaalaman. 

Mga Kapanalig, maging ang Banal na Aklat ay may paalala tungkol sa kasaysayan. “Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari,” saad ng sa Isaias 46:9. Ngunit maliban sa pag-alala sa ating kasaysayan, kailangan din nating matuto nang hindi na natin maulit ang mga mali ng mga nauna sa atin.  

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 104,539 total reads

 104,539 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 139,217 total reads

 139,217 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 162,532 total reads

 162,532 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 199,018 total reads

 199,018 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 210,679 total reads

 210,679 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 104,540 total reads

 104,540 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 139,218 total reads

 139,218 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 162,533 total reads

 162,533 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 199,019 total reads

 199,019 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top