Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 730 total reads

Homiliya Para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, 1 Hunyo 2023, Marko 10:46-52

Kakaiba ang kuwentong ito ng pagpapagaling na ginawa ni Hesus sa bulag na pulubi sa binasa nating ebanghelyo ngayon kay San Marko (Mk 10,46-52). Kakaiba sa naunang kuwento niya tungkol sa isa pang bulag na taga-Bethsaida na pinagaling din. Nasa chapter 8 naman iyon (Tingnan sa Mk 8, 22-26). Ano ang pagkakaiba dito ng kuwento ni Bartimeo doon sa kuwento ng pinagaling na bulag na taga Bethsaida?

Dito may pangalan ang bulag—Bartimeo; doon, wala.

Doon sa chapter 8, dinala ang bulag kay Hesus; dito sa chapter 10, si Bartimeo mismo ang nangulit at kusang lumapit kay Hesus nang ipatawag siya.

Doon sa chapter 8, dinala muna ni Hesus sa ilang na lugar ang bulag at pinagaling na mag-isa. Dito sa chapter 10 nasa gitna sila ng maraming tao.

Doon, dalawang beses hinaplos ang mga mata ng bulag at gumamit pa si Hesus ng laway para ipahid sa mga mata ng bulag. Dito, ni hindi hinawakan ni Hesus si Bartimeo. Walang physical contact, walang laway na ipinahid. Nagsalita lang.

Doon, hindi kaagad nakakita ang bulag. Inulit pa ni Hesus ang paghaplos. Pero dito nakakita kaagad si Bartimeo pagkasabi ni Hesus na magaling na siya.

Doon, pinauwi ni Hesus ang bulag matapos gumaling. Dito hinayaan niyang sumunod sa kanya si Bartimeo.

Doon, hindi na tinanong ang bulag kung ano ang gusto niya. Dito, tinanong muna siya, “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?”

Magkaibang-magkaiba, di ba? Pero sa pagitan ng dalawang kuwento, nakapagitna ang ulat ni San Marko tungkol sa paglalakbay niya kasama ang mga alagad mula sa Galilea patungong Judea, na mauuwi sa trahedya ng kanyang pagdurusa at kamatayan sa Jerusalem. Kumbaga sa painting, nilagay ni San Marko sa kuwadro ang litrato niya tungkol sa paglalakbay nilang iyon at pagtuturo ni Hesus sa mga alagad habang daan. At ang ginamit niyang kuwadro ay ang dalawang kuwento ng pagpapagaling: iyung taga-Bethsaida, at si Bartimeo.

Parehong kuwento ng pagpapagaling pero magkaibang magkaiba. At ang pinakamalaking pagkakaiba ay ang linyang sinabi ni Hesus kay Bartimeo: “Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”

Pero sayang kung sa milagro lang tayo titingin, tungkol sa dalawang magkaibang kuwento tungkol sa bulag na pinagaling. Pag ganoon, para tayong tumingin sa painting at walang pinansin kundi ang frame o kwadro. Kailangan ding tingnan ang painting mismo (Mk 8:27-10:45) at ang kuwento nito tungkol sa pagsusumikap ni Hesus na ipaunawa sa mga alagad ang mangyayari sa Jerusalem at ang kaakibat ng pagsunod sa kanya. Saka mo lang maiintindihan kung bakit inipit niya ito sa kuwadro ng kuwento ng dalawang bulag—ang taga-Bethsaida na walang pangalan, at si Bartimeo.

Simple lang ang mensahe ni Marko: ang bulag na makakakita ay ginagawa niyang simbolo ng alagad. Sa una, ibang tao ang gagawa ng paraan para ilapit ka kay Hesus. Para bang sunud-sunuran ka lang. Pero sa dakong huli, mas mas lilinaw ang dating malabo, mas madaling makakita ang lumalapit na kusang-loob, nagpupursigi, sumasampalataya. Hindi sapat ang mabuksan lang ang mga mata at makita ang kapaligiran. Ang pagiging alagad ay nagsisimula pa lang kapag nabuksan na rin ang paningin ng diwa (pananampalataya) at nakilala kay Hesus ng Nazareth ang Kristo, ang Anak ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 187,498 total reads

 187,498 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 258,165 total reads

 258,165 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 291,614 total reads

 291,614 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 326,914 total reads

 326,914 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 545,884 total reads

 545,884 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 16,970 total reads

 16,970 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 22,618 total reads

 22,618 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 21,880 total reads

 21,880 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top