Kahalagahan ng Social Protection

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,582 total reads

Kapanalig, ang social protection ay sandigan ng mamamayan sa panahon ng kagipitan. Ngunit bakit kaya, hanggang ngayon, hindi pa rin ito abot kamay ng napakaraming mga Filipino? Tinatayang nasa mga mahigit 64% pa lang ng maralita ang may social  protection coverage sa ating bansa.

Ang social protection, kapanalig, ay nagbibigay seguridad sa mga mamamayan sa panahon ng krisis, pag may nagkasakit, nawalan ng trabaho, o kahit anumang sakuna. Nagbibigay ito ng proteksyon sa mga mamamayan sa pamamagitan ng tulong pinansyal sa panahon ng kanilang pangangailangan.

Sa ating bansa, ang mga halimbawa ng social insurance ay ang Social Security System o SSS, ang Philippine Health Insurance o PhilHealth, pati na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Malaking tulong ang mga ahensyang ito sa mga Filipino. Nagbibigay ito ng mga benepisyo sa mga Filipino na umaagapay sa kanila hindi lang sa panahon ng krisis, kundi pati sa pang-araw araw na buhay. Partikular dito ang 4Ps, na nagbibigay ng cash grants para sa pinakamahirap nating mga kababayan upang mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon, pati na ang pag-aaral ng mga kabataan. Ang 4Ps ay mahalagang instrumento na makakatulong sana sa marami nating mga kababayan na makabuwelo, at sa kalaunan, makaalpas sa kahirapan.

Kapanalig, kailangan na mapabilis ng pamahalaan ang pagpapalawig at pagpapatibay ng mga programang ito. Marami na nga ang nangangamba, gaya ng mga SSS beneficiaries. Tinatayang pagdating ng 2029 ay nasa peligro na ang pondo nito dahil mas lalaki na ang babayarang benepisyo kesa sa dami ng koleksyon. Paano na ngayon ang mga miyembro nito?

Kapanalig, kailangang pataasin pa ang pondo ng bayan para sa social protection.  Ito ay wise investment dahil habang pinalalakas natin ang estado ng pamilyang Filipino, mas maraming mamamayan ang makakapagtrabaho, makakapag-aral, magiging malusog – magiging aktibong miyembro ng lipunan na malaki ang maiaambag sa ating bayan. Lahat ito ay inputs para sa kagalingan at kaunlaran ng bayan. Sabi nga sa Populorum Progressio: The advancement of the poor constitutes a great opportunity for the moral, cultural and even economic growth of all humanity. Kung hindi tayo mamumuhunan sa proteksyon ng mga mamamayan, lalo na ng maralita, ang kinabukasan ng buong bayan ang atin ding pinababayaan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 110,051 total reads

 110,051 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 144,728 total reads

 144,728 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 167,719 total reads

 167,719 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 204,204 total reads

 204,204 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 215,529 total reads

 215,529 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 110,052 total reads

 110,052 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 144,729 total reads

 144,729 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 167,720 total reads

 167,720 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 204,205 total reads

 204,205 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top