Bantayan ang karagatan at pangisdaan

SHARE THE TRUTH

 272 total views

Mga Kapanalig, dalawang makabuluhang araw ang ipinagdiwang noong Lunes. Ang una ay ang International Day for the Fight against Illegal, Unreported, and Unregulated Fishing. Ang pangalawa naman ay ang World Environment Day. Magkaiba man ang tuon ng mga araw na ito, magkakaugnay ang mga isyung nakapaloob sa mga ito. Kung hindi tutugunan at bibigyang-solusyon ang illegal, unreported, at unregulated fishing, masisira ang ating kalikasan, partikular na ang ating yamang-dagat. Kaya mahalagang bigyang-pansin ang mga isyung ito.  

Ano nga ba ang ibig sabihin ng illegal, unreported, at unregulated fishing (o IUU)? Sinasaklaw nito ang mga iligal na pamamaraan ng pangingisda. Ang illegal fishing ay ang paggamit ng ipinagbabawal na paraan ng pangingisda, katulad ng mga lason at pampasabog. Tinatawag namang unreported fishing ang pangingisda kung ang huling isda ay hindi naitalâ o hindi tama ang pagkakatalâ. Maituturing namang unregulated ang pangingisda kung ito ay ginawa sa labas ng mga itinalagang lugar o sa mga lugar na walang conservation o management guidelines. Unregulated din ang pangingisda kapag pumapasok ang mga barko sa mga ipinagbabawal na lugar-pangisdaan.1 Sa buong mundo, ang IUU fishing ang itinuturong pangunahing dahilan ng bumababang kalidad ng pangisdaan na kalauna’y sumisira sa mas malawak na marine environment. Isa ang IUU sa pinakamalaking banta sa buhay na nasa karagatan dahil mapanira at labis-labis ang pamamaraan nito ng pangingisda.  

Sa ulat ng United States Agency for International Development (o USAID) at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (o BFAR), nawawalan ng 62 biyong piso ang bansa kada taon dahil sa IUU fishing. Ang problema, hindi madaling makakuha ng ebidensya at patunayan ng datos ang IUU fishing dahil komplikado ang pagsasagawa nito. Bagamat alam nating may IUU fishing sa bansa, malawak pa rin at hindi pa lubos na nauunawaan ang mga datos katulad ng pagkalugi sa ekonomiya dahil sa IUU fishing.  

Kaya mariing tinututulan ng mga maliliit na mangingisda ang pagsuspinde ni Pangulong Marcos Jr. sa implementasyon ng Fisheries Administrative Order (o FAO) 266 na nire-require na kabitán ng vessel monitoring measures (o VMM) ang mga commercial fishing vessels. Kailangang may nakakabit na VMM sa mga commercial fishing vessels upang masubaybayan at masigurong ang pangingisda nila ay alinsunod sa batas. Kung tatanggalin ang teknolohiyang ito, mahihirapang ipatupad ng mga lokal na pamahalaan ang tungkulin nilang protektahan ang municipal waters na dapat nakalaan para sa maliliit na mangingisda. Binabalewala rin ng suspensyon ng FAO 266 ang mga pagsisikap na maibalik sa maayos na kalagayan ang nauubos nang yamang-dagat at protektahan ang kabuhayan ng maliliit na mangingisda.  

Nakalulungkot na mismong pamahalaan ang nag-aalis ng paraan upang mabantayan at mapanagot ang mga nanlalamang sa pakikinabang sa ating karagatan. Hindi pa ba mulat ang ating presidente at ang mga mambabatas sa malalang pagkasira ng mga pangisdaan at marine ecosystem na pinagmumulan ng pagkain at kabuhayan ng maraming komunidad na nasa baybay-dagat? Paunti na nang paunti ang nahuhuling isda sa karagatan dahil sa nasisirang kalikasan. Tungkulin ng pamahalaang tiyaking malusog ang karagatan nang mabigyang-proteksyon ang buhay at kabuhayan ng mga mangingisda. Gaya nga ng sinabi ni Pope Francis na Evangelii Gaudium, responsibilidad ng Estado na pangalagaan at itaguyod ang kabutihan ng lahat ng miyembro ng lipunan, kabilang ang mga mangingisda.

Mga Kapanalig, sa pagdiriwang ng International Day for the Fight against Illegal, Unreported, and Unregulated Fishing at ng World Environment Day, magiging kaaya-aya para sa Diyos at sa mga maliliit na mangingisda ang pagsisikap na pangasiwaan at pangalagaan ang ating pangisdaan. Sa ganitong paraan, maitaguyod ang dignidad at kapakanan ng mga kapatid nating mangingisda. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 43,613 total views

 43,613 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 49,031 total views

 49,031 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 55,738 total views

 55,738 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 70,531 total views

 70,531 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 76,687 total views

 76,687 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 43,614 total views

 43,614 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 49,032 total views

 49,032 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 55,739 total views

 55,739 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 70,532 total views

 70,532 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 76,688 total views

 76,688 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 41,246 total views

 41,246 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,830 total views

 51,830 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 60,047 total views

 60,047 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 44,280 total views

 44,280 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 50,256 total views

 50,256 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 53,349 total views

 53,349 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 43,054 total views

 43,054 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,942 total views

 43,942 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 59,245 total views

 59,245 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,654 total views

 71,654 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top