Pundasyon ng lipunan, sisirain ng divorce

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,440 total reads

Nanindigan ang Alliance for the Family Foundation Philippines Inc. (ALFI) laban sa pagsasabatas ng diborsyo na labag sa konstitusyon ng bansa.

Ayon kay ALFI Vice President Atty. Jesus Joel Mari Arzaga, malinaw ang isinasaad sa Section 2 ng Article XV na dapat bigyang proteksyon ng pamahalaan ang kasal sapagkat ito ang pundasyon ng lipunan.

“Malinaw po sa description ng ating constitution ang pag characterize sa marriage bilang isang inviolable social institution…so clearly divorce is contrary to the sanctity of marriage,” pahayag ni Arzaga sa Radio Veritas.

Sinabi ni Arzaga na naging basehan ng mga mambabatas na nagsusulong ng diborsyo ang isang bahagi ng commonwealth act na ipinatupad noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano kung saan pansamantalang ipinatupad ang diborsyo.

Nagbabahala rin si Arzaga sa pag-iidolo ng iilan sa Western culture na nais gayahin ang diborsyo lalo’t sa Amerika naitala ang 50 porsyentong paghihiwalay ng mga mag-asawa sa first marriage; 60 porsyento sa second marriage; at 70 porsyento sa third marriages.

“Hindi po natin nanaisin na mangyayari yan sa atin na yung kasal maging nothing more but a piece of paper, because for us ayon sa ating konstitusyon ang kasal ay ang pundasyon ng ating nasyon,” giit ni Arzaga.

Sa ginawang pagdinig sa senado noong April 18 bukod tanging ALFI lamang ang grupong dumalo na nanindigan laban sa diborsyo.

“I hope in case another committee hearing is scheduled, I hope that we can all come together and voice our opposition against this divorce bill before the senate; conserted effort sanan na nakikipag-usap din ang simbahan doon sa mga mambabatas natin,” ani ng opisyal ng ALFI.

Gayunpaman tiniyak ng ALFI na makikiisa sa mga programang makatutugon sa suliranin sa pamilya na naging basehan sa pagsusulong ng diborsyo lalo na ang pagbibigay edukasyon sa mamamayan ukol sa kahandaang makipag-isang dibdib at pagbuo ng pamilya.

Una nang sinabi ni Fr. Jerome Secillano ng CBCP Public Affairs Commission na bukas ang simbahan sa pakikipagadyalogo sa mga mambabatas na nagsusulong ng diborsyo upang maipaliwanag ang paninidigan ng simbahang katolika.

Sa halip na diborsyo, umaapela ang simbahan sa mga mambabatas na gumawa ng batas na magpapatatag sa pundasyon ng pamilya na mapakikinabangan ng mga Pilipino.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 47,741 total reads

 47,741 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 164,791 total reads

 164,791 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 250,160 total reads

 250,160 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 296,900 total reads

 296,900 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 344,767 total reads

 344,767 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 440,602 total reads

 440,602 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top