Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Health ministry ng simbahan, tiniyak ang pakikipagtulungan sa bagong kalihim ng DoH

SHARE THE TRUTH

 2,239 total views

Tiniyak ng komisyong pangkalusugan ng simbahan ang patuloy na pagsuporta sa mga adhikain ng bagong talagang kalihim ng Department of Health.

 

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) executive secretary Fr. Dan Cancino, MI, ang pagtanggap ni Dr. Ted Herbosa sa tungkulin bilang pinuno ng DoH ay patunay lamang ng kanyang dedikasyong mapaglingkuran ang mamamayan.

 

The CBCP-ECHC shares a commitment with you to improving the health and well-being of the most vulnerable and marginalized. We will journey beside you and all those working in the attempt to bring health to all, especially the many people, including children, who live on the periphery of society, and who suffer ill health and hunger,” bahagi ng pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

 

Iginiit ni Fr. Cancino na ang pagkakaroon nang maayos na kalusugan ay karapatan ng bawat mamamayan, at hindi para sa kapakanan lamang ng iilan.

 

Umaasa ang opisyal ng CBCP na sa pamumuno ni Herbosa sa DOH ay higit nitong maipadama ang pagmamalasakit sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagsusulong at pagpapaigting ng mga programang pangkalusugan sa mga pamayanan.

 

Sinabi ng pari na mahalaga ito sapagkat karamihan sa mga pamayanan ang hindi ganap na naaabot o nakakatanggap ng mga serbisyong pangkalusugan.

 

Let the health system focus on care for people, rather than simply treatment for specific diseases or conditions—factoring in all aspects of people’s individual lives and situations. As we are improving our health systems, never forget that we need to strengthen community systems (for health) as well,” saad ni Fr. Cancino.

 

Una nang nagpaabot ng pagbati si CBCP-ECHC vice chairman, Military Bishop Oscar Jaime Florencio sa pagkakahirang kay Herbosa bilang bagong kalihim ng DOH at umaasang matutugunan at mabibigyang-pansin ang mga usaping pangkalusugan na mahalaga para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,464 total views

 72,464 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,239 total views

 80,239 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,419 total views

 88,419 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,017 total views

 104,017 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 107,960 total views

 107,960 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 1,972 total views

 1,972 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 3,316 total views

 3,316 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top