Pagtatanggol ng Kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 555 total views

Ang Pilipinas ay itinuturing na isa sa mga delikadong lugar pagdating sa pagtatanggol sa kalikasan. Ayon nga sa report na Decade of Defiance: Ten years of reporting land and environmental activism worldwide, 221 ang mga napatay na land and environmental defenders noong 2021 sa buong mundo. 19 dito, kapanalig, ay sa Pilipinas.

Bakit, kapanalig, kailangan may namamatay para lamang ipagtanggol ang ating kalikasan?

Ang ating bayan, kapanalig, ay mayaman sa mga natural resources, mga likas yaman na pinag-aagawan ng iba ibang grupo para sa kabuhayan at negosyo. Sa proseso ng pagkuha ng mga likas yaman na ito, ang sustainability ng mga kalikasan, ng mga pamayanang nakapaligid dito, ay nalalagay sa peligro. Para sa mga mamamayang lumalaban upang mapangalagaan ang kalikasan at mga pamayanang umaasa dito, maaaring buhay din nila ang malagay sa peligro.

Isang halimbawa, kapanalig ay ang issue ng illegal logging sa ating bayan. Hanggang ngayon, talamak pa rin ang praktis na ito kahit pa paulit ulit na lamang ang paalala sa lipunan ng kahalagahan ng puno sa ating buhay. Noong nakaraang taon, milyong milyong halaga ng mga illegally cut timber ang nakumpiska ng pamahalaan. Maswerte pa tayo kapanalig, at may nahuhuli. Pero paano naman ang mga di nahuhuli? Patuloy na lang ba nila uubusin ang mga puno sa ating kagubatan?

Sa ngayon, isa sa mga naging malaking biktima ng illegal logging at deforestation ay ang Sierra Madre, ang gulugod ng Luzon, na siyang nagtatanggol sa atin sa mga malalakas na bagyo at hangin. Dahil sa pagputol ng mga puno dito, may pag-aaral na nagsasabi na 90% na lamang ang natitirang forest cover nito. Hindi kayang habulin ng reforestation program ng bayan ang mabilis na pagkawala ng mga puno sa Sierra Madre. At sa gitna ng kawalan na ito, may mga armed invasion pa na nagaganap sa bahagi nito.

Isa lamang ito, kapanalig, sa halimbawa ng kahirapan sa pagtatanggol ng ating kalikasan. Paano ba natin matitiyak na ang ating mga likas yaman ay magiging sustainable para sa kapakinabangan ng lahat kung buhay naman ang kapalit sa pagtatanggol nito?

Kapanalig, tayo ang inatasang stewards of creation ng ating Panginoon. Tayo ay may pananagutan sa kalikasan. Sana, lahat tayo, ay tanggapin at angkinin ang pananagutan na ito, upang ating masakatuparan ang tagubilin mula sa Gaudium et Spes: Ibinigay ng Diyos ang kalikasan para sa lahat, upang pantay pantay nating pagsaluhan ang biyayang ito, gabay ng katarungan at pagmamahal.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 39,015 total views

 39,015 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 45,144 total views

 45,144 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 75,286 total views

 75,286 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 94,992 total views

 94,992 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 114,139 total views

 114,139 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NUMBER’S GAME

 39,016 total views

 39,016 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 45,145 total views

 45,145 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 75,287 total views

 75,287 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 94,993 total views

 94,993 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »
Scroll to Top