Never give up on God’s mercy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,936 total reads

Alalahanin ang pagmamahal ng Panginoon para sa sanlibutan upang maipadama ang kalinga sa kapwa.

Ito ang hamon ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa misang iniaalay bilang pagdiriwang Sa Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus sa National Shrine of the Sacred Heart sa Makati City.

Ipinagdarasal ng Cardinal na laging maalala ng mga mananampalataya na kasama nila ang Panginoon higit na sa oras ng pangangailangan, sigalot o sakuna upang iparanas ang kaniyang kalinga.

“Sa gitna ng magulong mundo, inalay ni Hesus ang kaniyang puso bilang tahanan, dinadala niya tayo sa mahigpit na yakap ng Banal na Santatlo,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Iginiit din ng rector na si Fr.Roderick Castro at Ministry member Fr.Roy Bellen ang kahalagahan na isabuhay ng mga mananampalataya ang mga aral na itinuturo ng pagdiriwang ng Sacred Heart.

Tiwala si Father Bellen na hindi manawa ang mga mananampalataya na humingi ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan at pagkululang sa Diyos.

“Anumang pagkakasala na mayroon po tayo, tayo po ay humihingi ng tawad, ng pagpapatawad po ng Diyos at higit sa lahat tayoy kaya niyang yakapin at sabihin na mahal na mahal tayo ng Diyos, siguro po ito ang magandang mensahe ngayon even if we have our shortcomings or failures na never give up on God and never give up on God’s mercy,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Bellen.

Panalangin naman ni Father Castro na naway sa pamamagitan ng Pananampalataya ng mamamayan at deboto ay maging kawangis mg puso ng bawat isa ang Kabanal-banalang Puso ni Hesus.

“Sana yun din ang maging dasal ng bawat Pilipino, ng bawat deboto ng mahal na puso ni Hesus, hilingin natin sa kaniya na matulad ang puso natin sa kaniyang puso, puso na mapagmahal puso na mahabagin, puso na mapagpatawad, palagay ko kapag nataglay narin yung puso na yun ano pa bang hihinging iba? Katulad na natin ang puso ng ating Panginoong Hesus Kristo,” bahagi naman ng panayam ng Radio Veritas kay Father Castro.

Sa pagdiriwang sa kapistahan ay isinagawa ang unveiling ng bagong logo ng National Shrine of the Sacred Heart na binasbasan ni Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 182,408 total reads

 182,408 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 253,372 total reads

 253,372 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 286,821 total reads

 286,821 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 322,119 total reads

 322,119 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 541,346 total reads

 541,346 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top