Permanent Deacons, hihilingin ng CBCP sa Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,799 total views

Hihilingin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Vatican ang pagkakaroon ng permanent deacons sa Pilipinas.

Ito ayon kay CBCP President Kalookan Bishop Pablo Virgilio ay upang pangasiwaan ang mga gawaing hindi nabibigyang pansin ng mga pari.

Ayon sa obispo, bukod sa mga gawain sa loob ng parokya ay marami pang mga pamayanan ang hindi naabot nang paglilingkod ng simbahan.

Ang diakono ay ang ikatlong uri ng ordained ministry tulad ng mga obispo, at presbyter/priest.

“If we have permanent deacons we can deploy them, puwede silang mamuno sa mga mission center or station as chaplains even while they are engaged sa kanilang mga secular life. Ito yung magiging pagkakaiba. Kasi ang mga diakono ay nakababad sa daigdig at sa lipunan pwede rin silang magkaroon ng mas mabisang influence para sa pagpapatotoo ng Mabuting Balita which what we call ‘evangelization’. Pwede rin silang maghanap buhay sa secular na lipunan habang naglilingkod sa simbahan,” ayon kay Bishop David sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas.

Ang mga diakono ay ang mga lingkod ng simbahan na maaring may asawa at nagtatrabaho sa mga kompanya bukod pa sa paglilingkod sa simbahan.

Unang tinalakay ang Permanent Deacons sa nakalipas na plenary assembly noong January.

Ayon kay Bishop David ang panukala ay sinang-ayunan ng 63-obispo mula sa 73 bilang ng mga dumalo sa pagtitipon.

Naniniwala din ang pinuno ng CBCP na ang pagkakaroon ng mga diakono na magiging katuwang sa mga parokya ay magiging tugon din sa kakulangan ng mga pari sa bansa.

Sa datos, tinatayang may 11-libo ang bilang ng mga pari sa buong Pilipinas na nangangasiwa sa higit 80-milyong katoliko sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,696 total views

 49,696 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,565 total views

 45,565 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,767 total views

 81,767 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,409 total views

 90,409 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,532 total views

 115,532 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top