Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 628 total reads

Isa sa mga bukambibig ng maraming Filipino ngayon ay ang sobrang taas ng kuryente sa ating bansa. Kahit saang bahagi ng ating bayan ngayon, ang bayarin sa kuryente ang isa sa pinaka-mabigat na obligasyon ng bawat kabahayan. Ang ating bansa nga ang isa sa may pinakamataas na electricity rates sa Southeast Asia. Ayon sa isang pag-aaral, pumapangalawa sa Singapore ang Pilipinas na may pinaka-mataas na presyo ng kuryente sa Southeast Asia.

Ang kuryente, kapanalig, bago natin makalimutan, ay hindi lamang natin ginagamit sa bahay. Ginagamit natin ito sa industriya, negosyo, at opisina. Kaya nga’t kung mataas ang presyo ng kuryente, malaki rin ang overhead ng mga namumuhunan sa bansa. Kaya nga’t pati na ang mga negosyante ay umalma ngayon. Wala ng katiyakan sa suplay ng kuryente minsan, mataas pa ang babayaran. Noong nakaraang taon, umalma na  nga ang Philippine Chamber of Commerce and Industry ukol dito. Halos 60% ng operational costs ng mga negosyo ay napupunta na sa kuryente.

Kaya nga’t marami ng naghahanap ngayon ng alternative sources of energy, gaya ng solar energy na abundant o napakayaman naman sa atin. Gumagastos na ang ilang mga kabahayan ng libo libo o daang libo para lamang magkaroon solar panels upang bumababa kahit papaano ang bayad sa kuryente, at makatipid at makabawi sa kalaunan. Kung pwede lamang magamit ito sa mas malaking bahagi ng ating bansa, sa murang halaga, para makatipid ang kabahayan at maging mga negosyo sa kuryente. Ang solar power ay malinis, at sustainable at renewable pa. Ito ay isang uri ng clean energy na angkop sa ating bayan.

Para magawa ito, kailangan bigyan ng prayoridad ang pananaliksik ukol sa mga mapagkukunan ng malinis na enerhiya na available sa ating bansa. Kinakailangan nating malaman ang ating kapasidad sa paggamit ng clean energy gaya ng solar, wind, at hydro. Sa pamamagitan ng maayos na pag-aaral, maaari nating matukoy kung aling mga teknolohiya ang pinaka-epektibo at pinakamabuti para sa ating bansa.

Kailangan din natin ng mga polisiya at regulasyon na magtutulak sa mga proyekto para sa clean energy. Dapat magkaroon ng incentives at subsidies para sa mga kumpanyang nagnanais mag-invest sa renewable energy. Ang pagtatayo ng mga solar farms, wind farms, at hydroelectric power plants ay dapat maging prayoridad ng pamahalaan. Dapat nitong suportahan ang mga naglalayong mag-ambag sa paglilinis ng ating enerhiya.

Mahalaga din na maisulong sa ating bansa ang edukasyon at kampanya tungkol sa malinis na enerhiya. Dapat mas maunawaan ng publiko ang kahalagahan ng renewable energy at ang positibong epekto nito sa kapaligiran at sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kailangan natin ito kung nais natin mas lumawak pa ang suporta para sa malinis at mas murang enerhiya.

Ang paghahanap ng mas abot-kaya, mas malinis, at mas maka-kalikasan at makataong sources of energy ay hindi lamang praktikal, ito rin ay moral. Bahagi ito ng ating obligasyon na pangalagaan ang kalikasan at ng pagpapalaganap ng katarungan sa ating lipunan. Ito ay ‘stewardship of God’s creation, at ayon nga sa Global Climate Change: A Plea for Dialogue, Prudence, and the Common Good ng mga US Catholic Bishops: Stewardship requires a careful protection of the environment and calls us to use our intelligence “to discover the earth’s productive potential and the many different ways in which human needs can be satisfied.

Sumainyo ang Katotohanan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 44,076 total reads

 44,076 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 155,900 total reads

 155,900 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 241,270 total reads

 241,270 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 288,008 total reads

 288,008 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 335,876 total reads

 335,876 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 432,007 total reads

 432,007 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 155,901 total reads

 155,901 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 241,271 total reads

 241,271 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 288,009 total reads

 288,009 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 335,877 total reads

 335,877 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top