14,600 total views
Iniulat ng Pag-IBIG Fund na mas tumaas ang koleksyon ng ahensya mula sa mga programang pautang.
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, nakolekto ng ahensya ang P31.97 billion mula sa home loan sa unang limang buwan ng 2023 mas mataas ng mahigit apat na bilyon kumpara sa nakalipas na taon.
Iginiit ng opisyal na ito ang pinakamataas na koleksyon sa kasaysayan kung saan naitala sa 92.53 percent ang performing loans ratio na kapakipakinabang sa bawat miyembro.
“Strong collections not only reinforce Pag-IBIG Fund’s financial sustainability, but also benefits our members because the amount we collect are then ploughed back to our housing portfolio so that more members can avail of our home loans.” bahagi ng pahayag ni Acuzar.
Pinasalamatan ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta ang mga miyembro ng ahensya na nagsusumikap na mabayaran sa takdang panahon ang mga home loan at iba pang loan programs.
Tiniyak ni Acosta ang patuloy na pagpapaigting sa loan programs upang matulungan ang mga Pilipino sa kanilang pangunahing pangangailangan.
“Our strong collections and PLR would allow us to not only address the loan needs of our members, but also to keep our interest rates low despite the prevailing market conditions,” ani Acosta.
Binigyang diin ng mga pinuno ng Pag-IBIG Fund ang patuloy na paglilingkod sa 15 milyong kasapi ng institusyon alinsunod na rin sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. lalo na ang pagpapatupad sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino or 4PH Program upang tugunan ang backlog sa housing project ng pamahalaan.
“Their on-time payments are clearly reflective of their trust in us as we continue to provide relevant programs and services to respond to their needs.” giit ni Acosta.