Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakikiisa sa panginoon, apela ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 1,269 total views

Panatilihing buhay ang pananamapalataya sa Panginoon bilang nagkakaisang simbahan.

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa unveiling at pagbabasbas ng bagong retablo ng Archdiocesan Shrine of Our lady of the Miraculous Medal sa Saint Vincent De Paul Parish.

Ayon sa Kardinal, nawa sa tulong ng higit na pagpapatibay ng bawat isa sa kanilang pananampalataya ay higit na mapaigting ang pakikiisa sa Panginoon.

“Maging daan tayo ng pagkakaisa, magkaisa tayo sa pamamagitan ng eukaristiya, magkaisa tayo sa pamamagitan ng mga sakramento, magkaisa tayo sa pamamagitan ng pagkalinga natin sa bawat isa, walang kristiyano na mag-isa lang sa buhay, wala dapat kristiyanong nag-iisip ko nakakaramdam na mag-isa lang siya sa buhay.” ayon sa mensahe ni Cardinal Advincula.

Hinihakayat naman ni Father Joel Rescober, Rector at Parish Priest ng simbahan ang bawat mananampalataya na palalimin ang pagdedebosyon sa Mahal na Ina ng Miraculous Medal.

Ayon sa Pari, ito ay isang malaking karangalan ang pangasiwaan ang simbahan itinayo noong 1872 kung saan kaniyang inanyayahan din ang mga nagdedebosyon sa Our Lady of Miraculous Medal na bumisita at magalay ng panalangin sa simbahan.

“Una-una salamat po sa lahat ng mga tumulong samen para maayos pong itong aming alter actually ito ay post-war altar pa yung pinalitan natin so more than decades talaga so ngayon, hopefully maraming tao lalo na’t devotees ng miraculous medal ay magpunta dito sa dambana niya para mas lalo makatanggap ng grasya mula sa ating Panginoon.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Rescober.

Nagalak din si Father Rescober na sa tulong mga donors at naging bahagi sa renovation ng simbahan ay naging posible na maging ‘Earthquake Proof’ ang ang Archdiocesan Shrine of Our lady of the Miraculous Medal – Saint Vincent De Paul Parish.

Pagbabahagi ng Pari, sa tulong ng mga Basic Ecclesial Community ay palalalimin ang pananampalataya ng nasasakupang mamamayan sa pamamagaitan ng pagdadala ng Mahal na Birheng Maria sa mga komunidad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,272 total views

 28,272 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,372 total views

 36,372 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,339 total views

 54,339 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,378 total views

 83,378 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,955 total views

 103,955 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 9,160 total views

 9,160 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,669 total views

 7,669 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top