Urban poor community, nagpahayag ng pakikiisa kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,507 total reads

Hinimok ni Running Priest Father Robert Reyes ang mga Pilipino na patuloy na isabuhay ang pagkalinga sa mga mahihirap na naging sentro ng mga adbokasiya sa pamumuno ni Pope Francis sa simbahang katolika.

Ginawa ng pari ang panawagan sa misang inialay bilang pasasalamat kay Pope Francis at sa Conclave ngayong araw sa Chapel ng Ina ng Laging Saklolo, Sitio Militar Project 08 Quezon City.
Ayon sa Pari, ang misa na sinundad ng prusisyon sa urban poor community ay layuning iparating na kasama ng mga pinakamahihirap sa lipunan ang simbahan sa anumang pagkakataon, suliranin at lakbayin sa buhay.

“Yung prusisyon ay para maabot yung mga maliliit na hindi alam kung ano yung nangyayari kasi fiesta ngayon dito sa Sitio Militar kaya si Father Patrick ipaliliwanag yun, itong mga darating na araw, ipagdasal natin ang Conclave kasi parang napakalayo ng mga tao doon sa conclave, ito ba ay may impact sa atin? may impact! kasi kung ano klaseng simbahan magiging ang Pilipinas ay depende sa Papa,” ayon sa mensahe sa Radyo Veritas ni Fr.Reyes.

Ibinagi din ng Pari ang kaniyang panananlangin na nawa ay maging kawangis o sundan ang mga nasimulan ng yumaong Kaniyang Kabanalang Francisco.
Kabilang dito ang pakikiisa sa mga mahihirap ni Pope Francis sa paglulunsad ng sinodo para buksan ang simbahan sa lahat.

“And sana yung susunod na papa ipagpatuloy yan, kasi baka ang mangyari nanaman from the synodal to the dogmatic, to the authoritarian, ito nanaman tayo parang sirang plaka na paulit-ulit, I think his synodal approach is going back to the basics of what the church needs, the church is yung image na Jesus walking with the two disciples side-by-side, yun ang simbahan, yung pari ay hindi nauuna, yung pari ay kasabay na naglalakad, nakikinig at naiintindihan niya yung mga dapat kasama niya sa paglalakbay,” ayon pa sa mensahe ni Fr.Reyes sa panayam ng Radyo Veritas.

Dahil sa panawagan ni Pope Francis na lumikha ng bagong sistema ng ekonomiya na mayroong pangangalaga sa mga mahihirap at kalikasan ay nasimulan sa Italya na ngayon ay laganap halos sa buong mundo ang Economy of Francesco Foundation.

Kalipunan ang EOF Foundation ng mga dalubhasa, ekonomista at kabataan mula sa 100-bansa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,140 total reads

 8,140 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,677 total reads

 9,677 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 21,282 total reads

 21,282 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 58,660 total reads

 58,660 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 89,930 total reads

 89,930 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 165,974 total reads

 165,974 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 259,153 total reads

 259,153 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top