Ipanalangin ang Cardinal electors na makapili ng Santo Papa na naaangkop sa kalagayan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,066 total reads

Hinihikayat ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. ang bawat Katoliko na magkaisa sa pananalangin para sa mga cardinal electors sa pagsisimula ng Conclave ngayong May 7, 2025.

Ayon sa Obispo, mahalagang ipagdasal ang paggabay ng Espiritu Santo sa pagpili gamit ang budhi ng mga cardinal electors sa bagong punong pastol na tunay na makapaglilingkod sa Simbahang Katolika.

Paliwanag ni Bishop Bacani, nawa sa tulong ng Diyos ay mapili at maihalal ng mga cardinal electors ang Santo Papa na naaangkop para sa kalagayan ng Simbahan at ng buong daigdig sa kasalukuyang panahon.

“Mga minamahal na kapatid, mga Katoliko, hinihiling ko po sa inyo na ipagdasal ninyong mabuti sa Espiritu Santo na talagang tulungang mabuti ang mga cardinal [electors] na makapamili ayon sa kanilang sariling budhi ng tunay na makapaglilingkod sa buong Santa Iglesia Katolika, at ang piliin nila ay yung talagang nararapat na maging [Santo] Papa natin, sa awa ng Diyos nung mga nakaraang maraming taon po ay palagi nalang napaka-gagaling ng ating mga Santo Papang lumipas harinawa po ganyan din ang mangyari sa conclave na ito, ipagdasal po nating mabuti.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.

Kasalukuyang sede vacante ang Vatican City kung saan naninirahan ang Santo Papa -ang obispo ng Diocese of Rome kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis dahil sa karamdaman noong April 21, 2025.
Sa kasalukuyan, 133 sa 252 mga kardinal sa buong mundo ang kumpirmadong makakalahok sa pagpili ng ika-267 Santo Papa na magpapastol sa mahigit 1.4 na bilyong Katoliko.

Kabilang sa cardinal-electors mula sa Pilipinas sina Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, Vatican Dicastery for Evangelization former Pro-Prefect, Luis Antonio Cardinal Tagle, at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,150 total reads

 8,150 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,686 total reads

 9,686 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 21,318 total reads

 21,318 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 58,696 total reads

 58,696 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 89,966 total reads

 89,966 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 165,997 total reads

 165,997 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 259,175 total reads

 259,175 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,929 total reads

 24,929 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top