Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Charity Gala night, isinagawa ng Miss Universe para sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 6,398 total views

Idinaos ng Miss Universe Philippines ang Charity Gala Night upang makalikom ng sapat na pondong inilaan para sa mga programa ng Caritas Manila.

Noong April 30 ay naging tampok ang pakikiisa ng mga donors sa Okada Manila Grand Ballroom Hall kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na makilala ang Reigning Miss Universe 2024 Victoria Kjær Theilvig kasama ang mga Miss Universe Continental Queens na sina Miss Asia Chelsea Manalo, Miss Africa & Oceania Chidimma Adetshina, Miss Europe & Middle East Matilda Wirtavuori at Miss Americas Tatiana Calmell.

Panalangin ni Miss Universe Philippines CEO President Jonas Gaffud ang higit na pagtatagumpay ng Caritas Manila sa kanilang mga programa upang masuportahan ang mga mahihirap, mapakain ang mga nagugutom at mapagtapos sa pag-aaral ang mga scholars ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP.

“My message would be I hope that a lot of sponsors for the ones who have like money out there to support education especially for young children, especially for those who can not afford going to college, it is very important that we try and help them, you know earn a degree so that is our mission in Miss Universe Philippines and now we have 15 scholars and we want to add more with Caritas Manila,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Gaffud.

Ayon pa kay Gaffud, nawa ay magtagal din ang pagtutulungan ng Miss Universe Philippines at Caritas Manila upang higit itong mapatibay at maisulong ang mabubuting layunin para sa mga pinakanangangailangan.

“My message to Caritas Manila is that I hope that there will be more donations coming in these year and years to come, i hope this will be a long term partnership with Miss Universe Philippines, because you know in Miss Universe Philippines you want tangible reuslts and I think Caritas Manila will deliver that for us,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Gaffud.

Matapos ang contract signing sa kasunduan hinggil sa pagtutulungan ng Caritas Manila at Miss Universe Philippines noon Abril, pinarating ni Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual na hudyat ito ng adbokasiyang ‘Kagandahan sa Kabila ng Kadiliman’.

Ito ay dahil sa tulong ng mga kandidata at nakokoranahang mga kalahok sa Miss Universe Philippines ay naipaparating na laman ng kanilang puso sa bisa ng pakikipagtulungan sa simbahan ang pagtulong sa mga mahihirap at pagpapabuti sa kalagayan ng buhay ng mga pinakanangangailangan.

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nakamamatay ang kurapsyon

 3,035 total views

 3,035 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 15,483 total views

 15,483 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 50,657 total views

 50,657 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 58,058 total views

 58,058 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 59,073 total views

 59,073 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top