Pagiging bahagi ng ASEAN, hindi garantiya ng pag-unlad ng Pilipinas – IBON Foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,325 total reads

Hindi dapat umasa ang Pilipinas na awtomatikong magdudulot ng pag-unlad ng ekonomiya ang pagiging bahagi nito ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), sa kabila ng mga kasunduang pangkalakalan at programa para sa integrasyong panrehiyon.

Ito ang iginiit ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, kasabay ng idinaraos na ika-49 na ASEAN Summit sa Pilipinas.

Ayon kay Africa, kabilang sa mahahalagang usaping pampolitika sa summit ang tensiyon sa South China Sea at ang patuloy na krisis sa Myanmar. Gayunman, dapat ding suriin kung tunay na nakikinabang ang mga Pilipino sa pagiging bahagi ng ASEAN.

Aniya, kasapi na ang Pilipinas sa ASEAN mula pa noong 1967 at lumahok na rin sa iba’t ibang kasunduang malaya sa kalakalan o free trade agreements. Gayunman, hindi nangangahulugang awtomatikong nakikinabang dito ang karaniwang mamamayan.

“Wag tayo masyadong umasa sa ASEAN in terms of yung pag-unlad ng ating ekonomiya kasi ang tagal na natin sa ASEAN!” bahagi ng pahayag ni Africa sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag din niya na bagama’t mahalaga ang tinatawag na ASEAN Way o paraan ng pagkamit ng pagkakasundo ng mga kasaping bansa, nalilimitahan ang mga napagkakasunduan dahil sa magkakaibang interes, antas ng pag-unlad at ugnayang panlabas ng bawat bansa.

“Yung pinaka-consensus, usually napakababa lang at usually napaka-motherhood,” ani Africa, na tumutukoy sa mga pangkalahatang pahayag na kadalasan ay walang malinaw at matitibay na hakbang na sinasang-ayunan ng lahat.

Dahil dito, iginiit niyang higit na mahalagang suriin ang mga hakbang ng pamahalaan upang palakasin ang sariling ekonomiya sa halip na umasa lamang sa mga regional summit at kasunduan sa ibang bansa.

“Ang pinakamahalagang usapin, makikinabang ba ang Pilipinas diyan? Actually, hindi sa ASEAN ka hihingan mo ng ganitong klaseng tanong eh. Tanong mo, ano ang ginawa ng Marcos administration, ng Duterte administration, ng Aquino administration? Ano ang ginagawa nila para po sa yaman ng Pilipinas?” dagdag ni Africa.

Pambansang interes sa pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos

Kinuwestiyon din ni Africa ang labis na pagbibigay-halaga ng administrasyon sa pagbisita ng mga dayuhang lider, partikular ni United States President Donald Trump, na inaasahang dadalo sa mga aktibidad kaugnay ng ASEAN Summit.

Ayon kay Africa, hindi sapat ang pakikipagpulong ng Pangulo sa mga lider ng ibang bansa kung walang malinaw na adyendang nakabatay sa pambansang interes.

Kinikilala niyang mahalaga ang mga pagpupulong ng mga lider dahil napagtitibay nito ang mga naunang negosasyon at pag-uusap ng kanilang mga kinatawan. Gayunman, dapat malinaw kung ano ang nais makamit ng Pilipinas sa mga naturang pagpupulong.

“May value ang summit, pero wala ‘yang halaga kung wala kang bitbit na nationalist development agenda pag-upo mo doon,” paliwanag ni Africa.

Dagdag pa niya, dapat tiyakin na ang mga kasunduang pang-ekonomiya ay magpapalakas sa lokal na industriya at magtataguyod ng industriyalisasyon, sa halip na basta sumunod sa mga prayoridad ng ibang bansa.

Pax Silica, dapat suriin kung sino ang makikinabang

Isa rin sa mga pangunahing usaping tinalakay ni Africa ang Pax Silica, isang inisyatiba na pinangungunahan ng Estados Unidos upang palakasin ang suplay ng mahahalagang teknolohiya at materyales, kabilang ang semiconductors, artificial intelligence at critical minerals.

Bagama’t inilalarawan ito bilang oportunidad para sa industriyalisasyon at pagpasok ng mga high-tech investment, nagbabala si Africa na kailangang suriin kung sino talaga ang makikinabang sa naturang programa.

Ayon sa kanya, kung pangunahing isusulong ng Pax Silica ang industriyal na interes ng Estados Unidos nang walang malinaw na proteksiyon sa pambansang interes, maaaring manatiling tagapagbigay lamang ang Pilipinas ng lupa, hilaw na materyales at murang lakas-paggawa.

“Ang Pax Silica ay American First industrial agenda. Pag napunta ba sa American First industrial agenda sa Pilipinas, Pilipino last ‘yun,” ani Africa.

Binigyang-diin din niya na hindi dapat maisakripisyo ang interes ng mga lokal na industriya, magsasaka at katutubo sa pagpapatupad ng naturang inisyatiba.

Iginiit din niya ang pangangailangan ng malinaw at bukas na impormasyon tungkol sa mga negosasyon, partikular sa mga probisyon ng kasunduan at posibleng epekto nito sa bansa.

Kinuwestiyon din ni Africa ang kakulangan umano ng malinaw na paliwanag mula sa mga kinauukulang ahensya sa mga pagdinig tungkol sa Pax Silica.

“Sa simpleng mga tanong na ano ba yung balangkas ng framework, ang gusto palagi ang negotiation. ‘Di ba yung point kung ibibigay sa atin yung naluto na, ano pang ihahabol mo doon?” ayon pa kay Africa.

Mga kilos-protesta at pananagutan ng pamahalaan

Tinalakay rin ni Africa ang mga kilos-protesta ng iba’t ibang sektor kaugnay ng inaasahang pagbisita ni Trump at ng Pax Silica.

Ayon sa kanya, ipinakikita ng mga pagkilos at reaksiyon ng publiko ang pangamba ng mamamayan sa direksiyon ng mga patakarang pang-ekonomiya at ugnayang panlabas ng pamahalaan.

Iginiit niyang hindi dapat isisi sa ASEAN ang mga suliraning kinakaharap ng Pilipinas dahil pangunahing pananagutan ng sariling pamahalaan ang pagbuo ng mga patakarang magpapalakas sa ekonomiya at mangangalaga sa kapakanan ng mamamayan.

“Walang maasahan from the ASEAN, kasi ang may sala naman sa problema ng Pilipinas, hindi ASEAN eh. Ang pangunahing may sala, yung Marcos administration at yung Philippine administration,” dagdag ni Africa.

Iginiit ni Africa na dapat malinaw ang pambansang interes sa bawat pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa. Hindi dapat matabunan ng mga seremonyal na pagpupulong at pangakong pamumuhunan ang pangangailangang palakasin ang sariling industriya at ekonomiya.

Para sa IBON Foundation, mahalaga ang pakikilahok ng Pilipinas sa ASEAN at pakikipag-ugnayan sa ibang bansa, ngunit dapat tiyaking nakabatay ang mga ito sa isang malinaw na pambansang adyendang maghahatid ng tunay na pakinabang sa mga Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 19,183 total reads

 19,183 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 117,977 total reads

 117,977 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 201,007 total reads

 201,007 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 295,339 total reads

 295,339 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 356,238 total reads

 356,238 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top