Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sektor ng Agrikultura sa Pilipinas, nagpapasalamat kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 7,051 total views

Nagdadalamhati at nagpasalamat ang sektor ng agrikltura sa Pilipinas kay Pope Francis.

Ayon kay FFF National President Leonardo Montemayor,iniwan ng Santo Papa ang mabubuting adhikain katulad na pagpapahalaga sa sektor ng agrikultura kasabay ng pagsusulong din ng ikakabuti ng buhay ng mga mahihirap.

“Maramdaming pasasalamat ng ating mga magsasaka, mangingisda, katutubo at ibang maralita sa yumaong Santo Papa Francis. Pinatuyan niya ang kahalagahan ng mga mahihirap sa sarili niyang isip, salita at gawa. His memory will live forever in our hearts and minds!,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Montemayor sa Radio Veritas.

Nagpapasalamat din si Cathy Estavillo, spokesperson ng Bantay Bigas kay Pope Francis dahil bukod sa pagsusulong ng kapakanan ng mga kabilang sa agrikultura, naisulong din ni Pope Francis ang dignidad ng mga mahihirap higit na ang mga umaasa sa agrikultura.

Inalala din ni Estavillo ang naging pakikiisa ng Santo Papa sa mga apela na paigtingin ang pangangalaga sa mga likas na yaman ng mundo upang hindi ito masira at manatiling balanse.

“Nakikiisa ang sektor sa agrikultura sa sankatauhan na nagdadalamhati sa pagpanaw ng Mahal sa Papa.na si Pope Francis..tunay na alagad ng diyos at laging nasa panig niya ang mga maralita at mga inaaping sektor Palagi niyang ipinapaala ang kahalagahan ng mga likas yaman. At higit sa lahat siya ang tanging Papa na kumilala sa karapatan ng mga kapatid natin may piniling kasarian.. Nanawagan siya na dapat magkaroon ng cease fire sa mga bansang kumakaharap nt giyera,” ayon naman sa mensaheng ipinadala ni Estavillo sa Radio Veritas.

Iginiit naman ni Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya National Vice-chairperson Ronnel Arambulo na si Pope Francis ang dahilan kung bakit higit na naisulong ang pangangalaga sa kalikasan na mahalaga sa paghahanap buhay ng mga mangingisda.

Ito ay matapos ang ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si na malawakang ginamit at pinalakas ng ibat-ibang makakalikasang grupo upang pangalagaan ang kalikasan.

Ayon kay Arambulo, sa pamumuno ni Pope Francis sa simbahang katolika, higit na nakita ng mga Pilipino at sambayanan ang pakikiisa ng mga mananampalataya tungo sa pagtatanggol sa kalikasan.

“The Laudato si’ affirmed the advocacies of many environmental groups in the Philippines for environmental protection, emphasizing that the worst impacts of degradation are the heaviest burdens of the poor. The Pope’s encyclical has inspired and strengthened the commitment of environmental advocates for the struggle of the Filipino fisherfolk against corporate plunder of coastal and marine resources, in Manila Bay, many faith-based organizations have joined our campaign against destructive and profit-driven reclamation and conversion,” ayon pa sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Arambulo.

Ang Laudato Si ang ikalawang encyclical na nilathala ni Pope Francis para sa pangangalaga sa kalikasan.

Habang magugunita na noong COVID-19 Pandemic ay umapela sa mga pamahalaan si Pope Francis na tulungan ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang mga pamilya noong maranasan sa maraming bansa ang lockdown.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nakamamatay ang kurapsyon

 3,260 total views

 3,260 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 15,708 total views

 15,708 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 50,882 total views

 50,882 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 58,283 total views

 58,283 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 59,280 total views

 59,280 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top