Panibagong insidente ng pambu-bully ng Tsina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 847 total views

Mga Kapanalig, muli na namang nam-bully ang mga barko ng Tsina sa West Philippine Sea. Binomba ng mga ito ng water cannon ang mga barko ng Philippine Coast Guard (o PCG) kamakailan. Ayon sa tagapagsalita ng PCG, inalalayan ng PCG ang mga bangka mula sa Armed Forces of the Philippines patungong Ayungin Shoal para maghatid ng pagkain, tubig, gasolina, at iba pang suplay para sa mga sundalong sakay ng BRP Sierra Madre. Ang Ayungin Shoal ay bahagi ng Kalayaan Island Group gayundin ng exclusive economic zone at continental shelf kung saan may hurisdiksyon, soberanya, at mga karapatan ang Pilipinas.

Kinundena ng PCG ang ginawang ito ng Chinese Coast Guard at sinabing hindi lamang daw iyon pagsasawalambahala sa kaligtasan ng mga crew ng PCG. Paglabag din iyon sa international court ruling na nagsasabing mali ang pag-angkin ng Tsina sa West Philippine Sea.  

Noong 1999, sadyang isinadsad ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre para igiit ang soberanya natin sa naturang lugar. Mula noon, naging outpost na ito ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Nakatira sa barracks ng barko ang Philippine Marines at regular silang pinadadalhan ng suplay ng pagkain at iba pa nilang pangangailangan. Naging simbolo ang BRP Sierra Madre hindi lamang ng pagmamay-ari ng Pilipinas sa Ayungin Shoal kundi pati ng tapang, diskarte, at paninindigan ng Pilipinas sa karapatan nito sa West Philippine Sea.  

Mula pa taong 2014, nagkakaroon na ng mga insidente kung saan nangha-harass at nambu-bully ang Tsina sa ating mga sasakyang pandagat at sa ating mga mangingisda. Iba-iba ang kanilang pamamaraan; nariyan ang paggamit ng water cannon, panunutok ng nakabubulag na military-grade laser, at pagbangga ng kanilang sasakyang pandagat sa mga bangka ng Pilipinong mangingisda. Hindi man gumagamit ng armas ang Tsina, panganib pa rin ang dulot ng mararahas nilang pamamaraan at pagsisimula nila ng gulo.  

Mula noon, tila mas lalong lumalala ang panggigipit at pangha-harass ng Tsina sa Pilipinas. Paubos na ang ating mga bahura sa West Philippine Sea. Marami na ring isla roon ang tinayuan na ng military bases ng Tsina. Ang mga ginagawang ito ng Tsina ay malinaw na pagpapakita ng determinasyon nitong angkinin ang mga isla, yaman, at katubigang nakapaloob sa ating teritoryo.   

Ayon sa ating mga mambabatas, sinubukan na raw ng Pilipinas ang diplomatic dialogue pati na ang back channeling kahit noon pang panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Ngunit walang nangyayari at hindi nagpapaawat ang Tsina. Bilang ordinaryong mamamayan, mapapaisip tayo: may magagawa pa kaya ang Pilipinas sa ganitong sitwasyon? Magagawa pa kaya nating tumindig laban sa ginagawa ng Tsina? 

Hindi dapat tayo bumaluktot at magpasindak sa panghihimasok ng Tsina sa ating teritoryo. Ngunit hindi rin ibig sabihin nitong dapat na makipaggiyera tayo. Gaya ng binibigyang-diin ng panlipunang turo ng Simbahan, panawagan sa mga bansang igalang nila ang isa’t isa, gaya ng pakikipagkapwa ng mga indibidwal sa bawat isa. Sa Pacem in Terris, sinasabing katotohanan, katarungan, pagtutulungan, at kalayaan ang dapat manaig sa ugnayan ng mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan sa ating mundo. Kasabay ng pagkiling natin sa kapayapaang pinahahalagahan ng ating Simbahan ay ang pagpapahalaga natin sa ating sariling bansa. Mas magkakaroon tayo ng kakayahang panindigan ang tama at nararapat sa atin kung may tiwala tayo sa ating sariling kakayahan at hindi laging dumedepende sa ibang bansa, lalo na sa mga nambu-bully sa atin.  

Mga Kapanalig, nawa’y huwag hayaan ng ating pamahaalaang mawalan tayo ng karapatan sa mga isla at karagatang Pilipinas dapat ang nangangasiwa. Gayunpaman, tandaan natin ang paalala sa Roma 14:19 na “lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan.” 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 17,343 total views

 17,343 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 40,495 total views

 40,495 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 110,609 total views

 110,609 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 185,221 total views

 185,221 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 264,104 total views

 264,104 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 17,344 total views

 17,344 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 40,496 total views

 40,496 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 110,610 total views

 110,610 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 185,222 total views

 185,222 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top