Solemnity and reverence, tamang pagpapahayag ng pananampalataya

 3,113 total views

Nilinaw ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang dalawang paraan sa pagpapahayag ng pananampalataya.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Episcopal Committee on Public Affairs, ang naangkop na pagpapahayag ng pananampalaya ay sa pamamagitan ng maringal at may pagpipitagan.

“The word that should describe our expression of faith is number one there should be solemnity, number two there should be reverence, and I don’t think these two elements-solemnity and reverence nandoon sa ginawa niyang diumano ay expression ng pananampalataya. So, we need to correct the guy (Luka Vega) if ‘yun man ang personal na pamamaraan niya ng kanyang pagsampalataya well unfortunately is wrong.” ayon kay Fr. Secillano sa panayam ng Radio Veritas.

Ang pahayag ng pari ay kaugnay sa viral video sa social media ng drag-performance ni Pura Luka Vega noong July 10 na umaawit ng “Ama Namin” sa isang kasiyahan na kinundena ng mga Pilipino.

Bilang pagkondena, nagsampa naman ng kaso ang Philippines for Jesus Movement laban kay Pura Luka Vega dahil sa paglapastangan sa panalangin habang idineklara rin itong persona non-grata sa Bukidon, General Santos City, Cagayan de Oro City, Laguna, at Manila, gayundin sa munisipalidad ng Floridablanca, Pampanga, at Toboso, Negros Occidental.

Unang nagsagawa ng Holy Hour ang Diocese ng Cubao bilang pagbabayad puri sa kalapastanganan sa panalanging ‘Ama Namin’.

Ayon sa obispo ang pag-awit sa panalanging itinuro ni Hesus sa hindi angkop na lugar at pagdiriwang ay patunay ng kawalang pagpahalaga sa kabanalan at kawalang paggalang sa panalangin.

Read: https://www.veritasph.net/?s=holy+hour

 

About The Author