Aktibong pakikibahagi ng kabataan sa BSKE, inaasahan ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,131 total views

Umaasa ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na maging aktibo ang mga kabataan sa pakikibahagi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay PPCRV Chairman Evelyn Singson, mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga kabataan sa nakatakdang halalang pambarangay lalo na sa paghahalal ng karapat-dapat na mga opisyal na mamumuno at mangangasiwa ng kaayusan at kapakanan ng pamayanan.

“Ang hope ko talaga dahil Kabataang Barangay ito, lahat ng mga bata ay maging active na magregister at bumoto dahil ang boto nila ang magde-determine kung anong klaseng pamamahala yung binoto na ibibigay sa kanila, kaya bumuto sila ng tama para yung serbisyo ng barangay captain sa kanila ay talagang magreredown to their benefit.” Ang bahagi ng pahayag ni PPCRV Chairman Evelyn Singson sa Radio Veritas.

Tiwala naman si Singson sa patuloy na suporta at aktibong partisipasyon ng mga volunteer ng PPCRV sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa upang mabantayan ang kabuuang proseso ng nakatakdang halalang pambarangay.

Paliwanag ng Singson, higit pa sa anumang halaga ay mas makabuluhan ang pagbabantay ng katapatan at kaayusan ng halalan para sa kinabukasan ng bayan.

“Lahat naman tayo dapat maging active, ito yung kinabukasan natin although sa PPCRV nagpapasalamat ako, talagang very dedicated, very altruistic lahat tayo, nagsisilbi wala naman tayong mapapala pero alam natin ang mapapala natin hindi financial pero makakabuti sa kabuhayan natin.” Dagdag pa ni Singson.

Ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang kauna-unahang halalan na pangangasiwaan ni Singson mula ng maitalaga bilang bagong chairman ng PPCRV noong Agosto ng nakalipas ng taong 2022.

Batay sa Calendar of Activities ng Commission on Elections (COMELEC) magsisimula ang election period para sa halalang pambarangay sa August 28, 2023 kung saan maari ng maghain ng Certificate of Candidacy ang sinumang nagnanais tumakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30, 2023

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 27,941 total views

 27,941 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 55,946 total views

 55,946 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 73,746 total views

 73,746 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 72,643 total views

 72,643 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 183,034 total views

 183,034 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top