Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mataas na kita ng top-50 richest Filipino, pinuna ng CWS

SHARE THE TRUTH

 2,022 total views

Lalong lumalaki ang antas sa kalagayan ng mga manggagawa at mayayamang negosyante sa bansa.
Ito ang pinuna ng Church People Workers Solidarity (CWS) matapos ilathala ng Forbes Magazine Philippines ang top-50 richest Filipino sa taong 2023.

Iginiit ng CWS na hindi makatarungan para sa mga manggagawa ang patuloy na paglago ng kita at yaman ng mga mayayamang negosyante na naitala sa 11-percent ngayong 2023 kumpara sa kanilang kita noong taong 2022.
Ikinalulungkot ng C-W-S na hindi halos makaahon sa kahirapan ang mga ordinaryong manggagawa dahil sa kakarampot na sahod na pinakikinabangan naman ng mga employer. “As large capitalists continue to reap super profits and live in great comfort, the majority of Filipinos grapple with grave vulnerabilities made worse by poverty wages,” ayon sa mensahe ng CWS.

Kaugnay nito, nanawagan ang grupo sa mga negosyante at pamahalaan na itaas ang minimum wage upang mai-angat naman ang kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawa.Binigyan diin ng C-W-S na batay sa pag-aaral ng IBON foundation, 1,160-pesos ang family living wage sa N-C-R dulot ng pagtaas sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. “The dignity of work must be continuously upheld against the systemically ingrained issue of income inequality, where a privileged minority basks in undeserved luxury, workers who create the wealth of society have the right to fight for a significant wage increase and living wages,” paliwanag ng CWS sa Radio Veritas

Binigyan diin sa ensiklikal na Laborem Exercens ni St. John Paul II na nararapat bigyang halaga ang kapakanan ng bawat manggagawa kabilang na ang pagbibigay ng wastong pasahod at benepisyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 23,969 total views

 23,969 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 32,069 total views

 32,069 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 50,036 total views

 50,036 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 79,114 total views

 79,114 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 99,691 total views

 99,691 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 8,954 total views

 8,954 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,474 total views

 7,474 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top