Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,316 total reads

Homiliya para sa ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon, 3 Setyembre 2023, Mat 16:21-27

Medyo malakas ang dating ng himutok ni prophet Jeremiah sa ating first reading ngayon. Nakakabigla. Sabi ba naman niya, “Niloko mo ako, Panginoon. At nagpaloko naman ako sa iyo.” Wow. Kaya nyo bang magsalita ng ganoon sa Diyos? Sa mga Kristiyanong walang alam sabihin sa panalangin kundi “Praise the Lord!”, siguradong nakakaiskandalo ito.

Sino nga ba naman tayo para magreklamo nang ganito sa Diyos? Ang takot lang natin na baka tamaan tayo ng kidlat. Pero sa maniwala kayo’t hindi,halos trenta porsiyento sa mga Salmo sa Bibliya ay ganito ang tono—panaghoy. Iyung iba nga mas matindi pa ang dating kaysa sa sinabi ni Jeremiah.

Siguro may expectation si Jeremiah na kapag sumunod siya sa Diyos, kapag ginawa niya ang iniuutos sa kanya, lahat ng bagay sa buhay niya ay magiging maayos at payapa. E baligtad ang nangyari. Inulan siya ng mga pasakit at pagdurusa. Para bang nagising na lang siya isang araw at namulat na hindi pala tugma sa expectation niya ang ibubunga ng pagsunod niya. At para bang hindi na siya makaatras. NAPASUBO, kumbaga.

May tawag sa Ingles sa sitwasyong ganyan, lalo na kapag feeling mo magkaiba kayo ng expectations ng katrabaho mo. Na para bang hindi nagtatagpo ang mga pananaw ninyo. Kailangan ng LEVELLING.

Ganito rin ang dating ni Pedro kay Hesus sa ating Gospel reading ngayon. Malapit na silang pumasok sa Jerusalem pero magkaiba pa rin pala sila ng intindi sa pinapasok nila. Pupunta daw siya sa Jerusalem para magdusa, mamatay at muling mabuhay. Kaya hinarap siya ni Pedro at sinaway. Siya tuloy ang nasaway. Naging okasyon ito para mag-levelling sila bago magpatuloy sa Jerusalem. Ang dating sa akin ng paliwanag ni Hesus kay Pedro ay parang malapit sa sinasabi ng kanta, “I beg your pardon, I never promised you a rose garden.”

Ito ang maganda kay Pedro; hindi niya ugali ang magkunwari. Prangka siya, walang kaplastikan. Malakas ang loob niya na ipahayag sa Panginoon ang totoong nararamdaman niya. Hindi ba ganoon naman talaga siya mula sa umpisa?

Noong napaluhod siya sa bangka matapos na mapuno ng isda ang lambat niya, di ba’t sinabi niya, “Humanap ka na lang ng iba; makasalanan akong tao. Hindi ako nababagay sa ipinagagawa mo.”

Noong huhugasan ni Hesus ang mga paa niya, ang reaksyon niya ay “Huwag ka namang magpakababa nang ganyan, ang taas ng tingin ko sa iyo.”

Noong sinabihan sila na haharap sila sa matinding pagsubok at marami sa kanila ang titiwalag, sabi niya, “Handa akong magpakamatay para sa iyo.”

Noong nasa gitna sila ng dagat at bumabagyo at nakita niyang naglalakad sa tubig ang Panginoon, sabi niya, “Kung ikaw nga iyan, hayaan mong lumakad ako sa tubig papunta sa iyo.”
Ibig sabihin, palagay ang loob niya na sabihin ang totoong saloobin niya kay Hesus, dahil kaibigan ang turing sa kanya. Kaya niyang pagsabihan ang kaibigan nang diretsahan, hindi na nagpapatumpik-tumpik pa. At mukhang ganitong klase talaga ang gustong makatrabaho ng Panginoon. Di ba ang sagot niya sa reaksyon sa kanya ni Nataniel o Bartolome ay, “Narito ang tunay na Israelita, walang pagkukunwari sa kanya.”

Isa pang taong prangka sa Diyos ay si Santa Teresa de Avila. Noong dumanas siya ng matinding pagsubok dahil sa pagsunod niya sa kalooban ng Diyos, nagreklamo daw siya sa panalangin, “Bakit mo naman ako hinahayaang dumanas ng ganitong hirap?” At ang sagot daw ng Diyos ay, “Dahil kaibigan ang turing ko sa iyo.” At ang mabilis na sagot ni Teresa ay, “Kaya naman pala kakaunti lang ang nakikipagkaibigan sa iyo.”
Ang alagad, bago maisugo ay kailangan munang maging kaibigan. Di ba sinabi ni Hesus noong magpaalam siya sa mga alagad niya, “Hindi ko na kayo tinawag na alipin sapagkat hindi alam ng alipin ang kalooban ng kanyang amo. Kaibigan ang turing ko sa inyo.” (Juan 15:15)

Dalawang direksyon ng leveling ang kinailangan para mangyari ang relasyon na ibig magkaroon ng Diyos sa sangkatauhan sa pamamgitan ni Kristo. Kinailangan muna niyang mag-level down, magpakumbaba, magkatawang-tao at makipagkapwa sa tao bilang tao. Sa parte naman ng tao, pinag-level up tayo: itinataas niya tayo, tinawag na maging kaanak ng Diyos para matuto tayong tumingin mula sa perspective ng Diyos.

Mahirap intindihin ang paliwanag ni Hesus sa ebanghelyo: na ang matindi ang kapit sa buhay ang siyang mawawalan nito at ang handang mawalan nito ang siyang magkakamit nito. Na ang mukhang pagkalugi sa mundo ay pakinabang sa kanya. Kaya siguro pinababa niya si Zaqueo para turuan siyang magpakumbaba, bago siya itinaas at nakasalo sa hapagkainan.

Mga kapatid, huwag tayong matakot makipag-levelling sa Diyos. Kaibigan ang hanap niya, hindi alipin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 4,687 total reads

 4,687 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 86,715 total reads

 86,715 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 188,442 total reads

 188,442 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 225,230 total reads

 225,230 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 255,700 total reads

 255,700 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SINO?

 14,391 total reads

 14,391 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 14,033 total reads

 14,033 total reads Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 39,221 total reads

 39,221 total reads Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 103,244 total reads

 103,244 total reads Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »
Scroll to Top