Hindi katamaran ang dahilan ng kahirapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,170 total reads

Mga Kapanalig, naniniwala ba kayong kaya mahirap ang mahihirap dahil tamad sila? 

Ito ang tila ipinahihiwatig ni Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) Secretary Jerry Acuzar sa kanyang pahayag na hindi kayang bayaran ng mahihirap ang low-cost na pabahay ng gobyerno dahil sila ay tamad. Sinabi niya ito sa budget briefing noong Agosto matapos magkomento ang ilang mambabatas na hindi abot-kaya ang buwanang hulog sa bahay sa mga proyekto sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (o 4PH) Program. Mahal daw ang mga ito kahit may subsidiya mula sa gobyerno. Ang 4PH ay ang programang pabahay ng gobyerno na naglalayong matugunan ang 6.5 milyong housing backlog ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang milyong units kada taon sa anim na taong termino ni Pangulong Marcos Jr. Dagdag pa ni Secretary Acuzar, ang papel daw ng DHSUD ay magpatayo ng pabahay: kung “may trabaho, may bahay.” Sa 4PH, siguradong magkakabahay raw ang minimum wage earners. 

Giit naman ni Gabriela Representative Arlene Brosas, hindi matutugunan ng 4PH ang pangangailangan sa pabahay ng pinakamahihirap pero hindi ito dahil sa tamad sila. Aniya, may mga kondisyong lalong nagpapahirap sa mahihirap na makamit ang kanilang mga pangangailangan. Dagdag pa ng mambabatas, taong 1989 pa nang huling magkaroon ng malaking pagtaas ng minimum wage at tila barya na lamang ang itinataas ng sahod ngayon. Batay sa datos ng IBON Foundation, ang pinakamalaking pagtaas ng sahod matapos ang 1986 EDSA Revolution ay noong administrasyon pa ni dating Pangulong Corazon Aquino kung saan tumaas ang minimum wage nang 219% o lampas doble pa.

Madalas tayong makarinig ng mga pahayag na katulad ng sinabi ni Secretary Acuzar. “Kailangan lang natin ng sipag at tiyaga upang umasenso buhay.” “Hindi hadlang ang kahirapan sa tagumpay.” O ‘di kaya: “Kasalanan ng mahihirap kaya sila mahirap.” Ngunit sa totoo lang, hindi nakasalalay ang pag-unlad ng tao sa indibidwal na pagsusumikap lamang. Marami at iba’t iba ang mga kondisyong nakaaapekto sa pag-asenso niya. Kabilang sa mga ito ang kalagayan sa buhay, katayuan sa lipunan, at access sa edukasyon at mga oportunidad. Sabi nga ng isang breadwinner na nagtapos sa pag-aaral kamakailan, kung pagsusumikap lang ang kailangan, ang mga mangingisdang gumigising sa madaling araw ay hindi na dapat namomroblema sa pera. Ang mga nanay na binabalanse ang iba’t ibang gawaing-bahay habang tumutulong sa mga bayarin ng pamilya ay dapat nakatatamasa na ng komportableng buhay. 

Ang patuloy na paglaganap ng pananaw at paniniwalang sipag at tiyaga lang ang kailangan upang umasenso sa buhay ay nagpapatibay lamang sa mga inequalities o ‘di pagkakapantay-pantay sa lipunan. At madalas, ang nagtutulak sa naratibong ito ay ang mga mayayaman at makapangyarihang nakikinabang sa pagpapanatili ng status quo o kasalukuyang kalagayan ng lipunan kung saan natatamasa nila ang karangyaan dahil nagtitiis sa mababang sahod ang mahihirap. Sa halip na hamunin natin ang mga balangkas ng lipunan na nagdudulot ng kahirapan at nagpapalawak ng agwat sa pagitan ng mayaman at dukha, sinisisi at hinuhusgahan natin ang mahihirap. Ito ay taliwas sa mga panlipunan turo ng Simbahan. Ayon nga kay Pope Francis noong 2021, huwag nating husgahan ang mahihirap sapagkat sila ay kadalasang biktima ng kawalan ng katarungan. 

Mga Kapanalig, karapatan ng bawat mamamayan ang magkaroon ng disente at abot-kayang pabahay. At responsabilidad ng gobyernong siguruhing natatamasa ng mga pinalilingkuran nito, lalo na ng mahihirap, ang karapatang ito. Hindi dapat gamiting dahilan ng gobyerno ang diumano’y katamaran ng mahihirap upang pangatwiranan ang pagiging hindi abot-kaya ng programang pabahay nito. Bilang mga lingkod-bayan, huwag sanang tularan ng ating mga opisyales ang “mga namumunong walang malasakit sa kanilang mga nasasakupan at pinababayaan ang mga ito,” gaya ng wika sa Jeremias 23:1. 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 2,362 total reads

 2,362 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 84,564 total reads

 84,564 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 186,291 total reads

 186,291 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 223,079 total reads

 223,079 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 253,652 total reads

 253,652 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pahirapang dagdag-sahod

 2,363 total reads

 2,363 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 84,565 total reads

 84,565 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 186,292 total reads

 186,292 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 223,080 total reads

 223,080 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »
Scroll to Top