21-Cardinal, hihirangin ng Santo Papa sa gaganaping consistory

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,082 total views

Dalawampu’t isang bagong cardinal ang hihirangin ng Santo Papa Francisco sa gaganaping consistory sa Vatican sa September 30-araw ng Sabado oras sa Roma.

Ayon kay Fr. Gregory Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filippino ang mga hinihirang na kardinal ay karaniwang mga arsobispo sa malalaking bayan, o archdiocese.

“Ibig sabihin ‘yung ating Santo Papa ay maggagawa o magni-name ng mga bagong cardinal para sa ating simbahan, kung hindi ako nagkakamali mga 21 ‘yata ang bagong cardinal,” ayon kay Fr. Gaston.

Hulyo ng kasalukuyang taon nang i-anunsyo ni Pope Francis ang pagsasagawa ng consistory para sa paglikha ng mga bagong prinsipe ng simbahan kung saan 18 sa mga itatalaga ay mga voting cardinals o wala pang 80 taong gulang.

Ito na ang ika-siyam na consistory na isinagawa ni Pope Francis simula ng maihalal bilang Santo Papa noong 2013.

Ayon kay Fr. Gaston, inanyayahan din ng Santo Papa Francisco ang lahat ng cardinal ng simbahan sa buong mundo para sa gaganaping consistory-o ang pagpupulong ng College of Cardinals.

Ang Pilipinas ay may dalawang aktibong cardinal kabilang na si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Pro-prefect ng Dicastery for Evangelization na si Cardinal Luis Antonio Tagle na dati ring naging arsobispo ng Maynila.

Bukod kay kina Cardinal Tagle at Cardinal Advincula, may dalawa pang kardinal ang bansa na sina Manila Archbishop-emeritus Gaudencio Cardinal Rosales, at Cagayan de Oro Archbishop-emeritus Orlando Cardinal Quevedo.

Si Cardinal Advincula ang pinakahuling Filipinong cardinal na itinalaga ni Pope Francis noong 2020.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 14,409 total views

 14,409 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 47,491 total views

 47,491 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 75,842 total views

 75,842 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 143,572 total views

 143,572 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 165,598 total views

 165,598 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top