Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,937 total views

Isa sa mga suliranin na kailangan harapin ng ating pamahalaan ay ang common street crimes sa ating lipunan. Ang mga ganitong pangyayari ay ilustrasyon ng “the poor robbing the poor” – ang kapwa mahirap ay binibiktima ng kapwa din niya mahirap.

Hindi ba’t ang mga komon na street crimes sa ating mga lansangan ay ang snatching o panghahablot ng bag, holdup, at pandurukot? Nasa lansangan din ang biktima ng mga ito – mga karaniwang tao na naglalakad lamang o namamasahe, nakikipagsiksikan sa mga public transport para makatipid, at namimili o nagtatrabaho sa mga mataong lugar. Dito rin sa mga lugar na ito namumugad ang mga gumagawa ng small-time crimes. Lahat nagsisiksikan dito para kumita, makatipid, makahanap ng paraan para lamang maisalba ang araw.

Ayon nga sa Philippine National Police (PNP), ang theft o pagnanakaw ay isa sa mga krimen na kanilang tinututukan ngayon dahil bahagyang tumataas ang mga insidente nito. Mula July 2021 hanggang January 7, 2022, 6,304 na kaso ang kanilang naitala. Nitong July 2022 hanggang January 2022, naging 6,682 na ito.

Maraming mga sanhi ang pagtaas ng insidente ng theft sa bayan. Siyempre una na dito ang kahirapan. Maraming mga tao, kapag walang kita at oportunidad, ay naitutulak sa krimen. Maaaring mapilitang silang magnakaw dahil sa kalam ng sikmura at matinding pangangailangan. Ang kawalan din ng maayos at dekalidad na edukasyon ay sanhi rin ng pagtaas krimen dahil ninanakaw naman nito ang kaalaman at oportunidad ng tao para sa mas maginhawang buhay. Ang kakulangan naman ng trabaho at kita ay bahagi rin sa mga dahilan kung bakit may mga kababayan tayo na walang ibang makitang paraan liban sa pagnanakaw upang buhayin ang sarili at pamilya.

Kapanalig, ang karaniwan nating tugon sa krimen ay ang pag-iigting o pagpapalakas ng pulisya at komunidad upang ma-prevent o mapigilan ang mga pangyayaring ganito – crime prevention. Pero napansin niyo na ba na kahit marami na tayong naikulong at nahuli para sa ganitong krimen, marami pa ring kawatan, at marami pa rin ang may pangamba na mabibiktima nito. Baka liban sa crime prevention, may mas komprehensibo at epektibong tugon tayong maibibigay sa mga mamamayan?

May gabay ang Responsibility, Rehabilitation, and Restoration ng mga US Catholic Bishops na maaring angkop din sa ating sitwasyon. Ayon dito “We will not tolerate the crime and violence that threatens the lives and dignity of our sisters and brothers, and we will not give up on those who have lost their way. We seek both justice and mercy. Working together, we believe our faith calls us to protect public safety, promote the common good, and restore community.”

Kapanalig, baka isipin niyo na puro awa lamang ang turo ng Simbahan sa atin. Hindi po. Ayon pa sa Caritas in Veritate ni Pope Benedict XVI, hindi lamang economic aid ang dapat nating ibigay, kundi isang maayos na sistema ng public order at epektibong pagkukulong na nagbibigay respeto sa human rights at ang pagkakaroon ng tunay na demokratikong institusyon.

Napakalaking hamon nito sa ating bayan. Sana maging handa tayong harapin ito upang tunay ng mawaksi ang krimen sa ating mga pamayanan, at maisabuhay natin ang esensya ng tunay na komunidad.

Sumainyo ang Katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,320 total views

 107,320 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,095 total views

 115,095 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,275 total views

 123,275 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,262 total views

 138,262 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,205 total views

 142,205 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,321 total views

 107,321 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 115,096 total views

 115,096 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,276 total views

 123,276 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 138,263 total views

 138,263 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 142,206 total views

 142,206 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 62,518 total views

 62,518 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 76,689 total views

 76,689 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 80,478 total views

 80,478 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 87,367 total views

 87,367 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 91,783 total views

 91,783 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 101,782 total views

 101,782 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 108,719 total views

 108,719 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 117,959 total views

 117,959 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 151,407 total views

 151,407 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 102,278 total views

 102,278 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top