Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa One Million Children Praying the Rosary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,124 total reads

Inaanyayahan ng Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang bawat isa na makibahagi sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary sa ika-18 ng Oktubre, 2023.

Ayon kay Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas – pangulo ng Aid to the Church – Philippines, iaalay ang pandaigdigang gawain ng sabay-sabay na pananalangin ng Santo Rosaryo ng mga kabataan ngayong taon sa pagkakaroon ng ganap na pagkakaisa, kapayapaan, at paghilom sa daigdig.

“On October 18, 2023, I am appealing to all of you to come together to pray the rosary. Millions and millions of children all over the world to pray the rosary for world peace, for world healing, for the forgiveness of the sins of the world.” Ang bahagi ng paanyaya ni Archbishop Villegas.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na ang pananalangin ng Santo Rosaryo ay maituturing pambihirang paraan upang manalangin at ganap na maipaabot ng bawat isa ang mga hinaing, pasasalamat, at pagsusumamo sa Panginoon.

Pagbabahagi pa ni Archbishop Villegas, kaakibat ng pananalangin ng Santo Rosaryo ang paniniwala at pananampalataya sa pag-asang hatid ng Panginoon para sa sangkatauhan.

“Mark the date October 18, 2023 millions of children praying the rosary, we have power in our hands and that power is God, we reach God by prayer. Let us spread the news that we have hope, and our hope is in the Lord, let us come together on October 18, 2023 praying the rosary for the world, for peace for all of us.” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.

Makalipas ang tatlong taon mula ng maganap ang COVID-19 pandemic noong 2020 ay muli ng isasagawa ng Aid to the Church – Philippines ang pandaigdigang gawain ng sabay-sabay na pananalangin ng Santo Rosaryo ng mga kabataan ng face-to-face ngayong taon.

Nagkatakdang isagawa ang One Million Children Praying the Rosary campaign sa Immaculate Conception Cathedral ng Diocese of Pasig sa ika-18 ng Oktubre, 2023 ganap na alas-nuebe ng umaga kung saan inaasahan ang pangunguna sa gawain ng mga mag-aaral mula sa Pasig Catholic College.

Layunin ng Worldwide Prayer Event na isulong ang pagkakaisa at kapayapaan sa pamamagitan ng sabay-sabay na pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Inilunsad ang One Million Children Praying the Rosary campaign sa Caracas, Venezuela noong taong 2005 kung saan umaabot na sa mahigit 80-bansa ang taunang nakikibahagi sa malawakang pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo kabilang na ang Pilipinas nang inilunsad ang gawain sa bansa noong taong 2016.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 13,695 total reads

 13,695 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 71,467 total reads

 71,467 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 156,834 total reads

 156,834 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 203,569 total reads

 203,569 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 251,441 total reads

 251,441 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 351,901 total reads

 351,901 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top