Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, OKTUBRE 23, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,776 total views

Lunes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Juan Capistrano, pari

Roma 4, 20-25
Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75

Poong Diyos ay purihin,
nilingap n’ya ang Israel.

Lucas 12, 13-21

Monday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. John of Capistrano, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Roma 4, 20-25

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, hindi nag-alinlangan si Abraham sa pangako ng Diyos, kundi lalo siyang tumibay sa pananalig at pinuri niya ang Diyos. Lubos siyang nanalig na matutupad ng Diyos ang kanyang pangako. Kaya’t dahil sa kanyang pananalig, siya’y pinawalang-sala. Ngunit ang salitang “pinawalang-sala,” ay hindi lamang para sa kanya, kundi para rin sa atin. Tayo’y pinawalang-sala dahil sa ating pananalig sa Diyos na muling bumuhay kay Hesus na Panginoon natin. Ipinapatay siya dahil sa ating mga kasalanan at muling binuhay upang tayo’y mapawalang-sala.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75

Poong Diyos ay purihin,
nilingap n’ya ang Israel.

Nagpadala ang Diyos sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas,
mula sa lipi ni David na kanyang lingkod.
Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta noong una.

Poong Diyos ay purihin,
nilingap n’ya ang Israel.

Na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway.
At sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin.
Ipinangako rin niya na kahabagan ang ating mga magulang,
at aalalahanin ang kanyang banal na tipan.

Poong Diyos ay purihin,
nilingap n’ya ang Israel.

Iyan ang sumpang binitiwan niya sa ating amang si Abraham,
na ililigtas tayo sa ating mga kaaway,
upang walang takot na makasamba sa kanya.
At maging banal at matuwid sa kanyang paningin, habang tayo’y nabubuhay.

Poong Diyos ay purihin,
nilingap n’ya ang Israel.

ALELUYA
Mateo 5, 3

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang mga dukha
na tanging D’yos na lumikha
ang pag-asa at adhika.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 13-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi kay Hesus ng isa sa mga tao, “Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid ko na ibigay sa akin ang bahagi ko sa aming mana.” Sumagot siya “Ginoo, sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?” At sinabi niya sa kanilang lahat: “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan.” At pagkatapos ay isinaysay ni Hesus ang talinhagang ito: “Ang bukirin ng isang mayaman ay umani nang sagana. Kaya’t nasabi niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Wala na akong paglagyan ng aking ani! A, gigibain ko ang aking mga kamalig, at magtatayo ako ng lalong mas malalaki. Doon ko ilalagay ang aking ani at ari-arian. At sasabihin ko sa aking sarili, Ayan, marami na akong ari-arian! Hindi na ako kukulangin habambuhay! Kaya’t mamamahinga na lang ako, kakain, iinom, at magsasaya!’ Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabing ito’y babawian ka ng buhay. Kanino mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?’ Ganyan ang sasapitin ng nagtitipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

May pananalig na walang maliw sa pagkalinga ng Diyos sa atin, buksan natin ang ating mga puso upang higit nating maunawaan ang mga bgay na mas dapat nating pahalagahan sa ating buhay.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, paunlarin mo kami sa iyong pamamaraan.

Ang Santo Papa, mga obispo, mga pari, at mga relihiyoso nawa’y patuloy na ipadama ang presensya ni Kristo sa buong daigdig sa pamamagitan ng simpleng pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang katarungan at pagkakapantay-pantay nawa’y maisulong sa pamamagitan ng mga pagbabagong pulitikal, panlipunan, at pangkabuhayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging sensitibo sa mga hindi nakaaangat sa buhay at matuto tayong magbahagi ng ating yaman sa mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y makadama ng kayamanan ng presensya ng Diyos sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y biyayaan ng awa ng Panginoon ng liwanag, kapayapaan, at kapahingahang walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, pinasasalamatan ka namin sa iyong napakaraming biyaya sa amin. Tulungan mo kaming may pananagutang gamitin ang aming mga ari-arian na nagmula sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moro-Moro Lamang

 77,124 total views

 77,124 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 92,523 total views

 92,523 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 104,978 total views

 104,978 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 115,587 total views

 115,587 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 126,237 total views

 126,237 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 24,180 total views

 24,180 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 24,411 total views

 24,411 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 24,892 total views

 24,892 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 16,908 total views

 16,908 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 17,017 total views

 17,017 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top