Traslacion, gagawin sa apat na lugar sa bansa sa January 9, 2017

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 383 total views

Hindi lamang sa Quiapo Maynila magaganap ang Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ngayong taon.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng St. John the Baptist Church o Minor Basilica of Black Nazarene, magaganap din ito sa Cagayan De Oro, Tagum City sa Davao at sa Catarman Northern Samar sa mismong araw ng Kapistahan, Enero 9, 2017.

Paliwanag ng pari, gagawin ito para hindi na bumiyahe pa ng malayo ang mga deboto ng Nazareno na nasa Mindanao para lamang makibahagi sa Traslacion.

“Ngayong taon, hindi lang dito sa Quiapo magaganap ang Traslacion, merun din sa Cagayan, and first time sa Tagum then meron din sa Catarman Northern Samar. Layunin nito para di na kailangang bumiyahe yung mga nasa Mindanao, so nag-oorganisa na rin sila ng preparation nila para sa traslacion, kasabay sila sa Quiapo,” pahayag ni Fr. Badong sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, naniniwala si Fr. Badong na malaki na ang ipinagbago ng mga sumasama sa Traslacion dahil disiplinado na sila maliban pa sa boluntaryong tumutulong para sa maayos na Traslacion at hindi ang makahawak lamang sa andas.

“Nagkakaroon na ng pagbabago sa mga nasa Quaipo na uma-attend ng retreat nakikitaan sila na pagnanais na maisaayos ang kanilang buhay, nabibigay ang kanilang share, nababawasan yung mga iniisip lang makahawak sa andas, yung iba willing talaga ang tumulong para maayos ang Traslacion, kaya kami sa Simbahan nagpapasalamat kami,” ayon pa sa pari.

Una ng inihayag ng St. John De Baptist Church o na i-Facebook live ang Traslacion 2017 na may temang ‘Pag-ibig ang Buklod ng Ganap na Pagkakaisa’.

Ayon kay Fr. Douglas Badong parochial vicar ng Quiapo church ito ay upang mapanood at makaisa sa pagdiriwang ang mga mananampalataya na hindi makakapunta sa kapistahan lalu na ang mga nasa ibang bansa.

Nanawagan din ang pari sa mga mananampalataya na ipagdasal ang kapistahan para sa kaligtasan ng lahat ng makikiisa sa Traslacion.

Isang Misa rin ang gaganapin sa Quirino Grandstand na pamumunuan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, alas-12 ng hatinggabi bisperas ng pista bago magsimula ang prusisyon pabalik ng imahe ng Poong Hesus Nazareno sa Quiapo Church.

Karaniwang umaabot ng 12 oras ang prusisyon, bagama’t noong 2012 ay naitala ang pinakamatagal na prusisyon na umabot ng 22 oras.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 20,402 total views

 20,402 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 43,554 total views

 43,554 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 113,668 total views

 113,668 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 188,282 total views

 188,282 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 266,909 total views

 266,909 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 144,351 total views

 144,351 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 309,826 total views

 309,826 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top