Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,449 total reads

Ang Mabuting Balita, 30 Oktubre 2023 – Lucas 13: 10-17
PRAYORIDAD
Noong panahong iyon, si Jesus ay nagtuturo sa isang sinagoga sa Araw ng Pamamahinga. May isang babae roon na labingwalong taon nang may karamdaman, gawa ng masamang espiritung nasa kanya. Siya’y hukot na hukot at hindi na makaunat. Nang makita ni Jesus ang babae, tinawag niya ito at sinabi, “Magaling ka na sa iyong karamdaman!” At ipinatong ni Jesus and kanyang mga kamay sa babae; noon di’y nakaunat ito at nagpuri sa Diyos. Ngunit nagalit ang tagapamahala ng sinagoga sapagkat nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya’t sinabi niya sa mga tao, “May anim na araw na inilaan upang ipagtrabaho. Pumarito kayo sa mga araw na iyan upang magpagaling, at huwag sa Araw ng Pamamahinga.” Sinagot siya ng Panginoon, “Mga mapagpaimbabaw! Hindi ba’t kinakalag ninyo sa sabsaban ang inyong baka o asno at dinadala sa painuman kahit Araw ng Pamamahinga? Ang babaing ito na mula sa lipi ni Abraham ay ginapos ni Satanas sa loob ng labingwalong taon. Hindi ba dapat na siya’y kalagan kahit na Araw ng Pamamahinga?” Napahiya ang lahat ng kalaban ni Jesus sa sagot niyang ito; at nagalak naman ang madla sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa niya.
————
Ang paggawa ng mabuti ay lagi dapat bigyang PRAYORIDAD. Yung babaeng pinagaling ni Jesus ay may karamdaman ng labing walong taon dahil sa masamang espiritu na nasa kanya. Labing walong taon ng buhay ng isang tao ay napakatagal. Isipin na lang natin ang isang sanggol na may karamdaman mula ng siya ay isilang hanggang sa narating niya ang karampatang gulang ng buhay niya. Naging kaugalian ito ng mga Judio ayon sa Exodo 20: 8-11 kung saan nakasulat na ang “Sabbath” ay Araw ng Pamamahinga, kaya’t walang ni sinuman ang maaaring magtrabaho. Ang problema dito ay ang kanilang interpretasyon ng “trabaho.” Para sa kanila, ang pagpapagaling ay isang trabaho at hindi gawa ng kahabagan. Layunin ng mga Batas ng Diyos ang pangalagaan tayo, at hindi ang manatili tayo sa isang kaawa-awang kalagayan. Ang mahalaga sa Araw ng “Sabbath” ay hindi lamang ang pagpapahinga. Ang pinakamahalaga sa Araw ng “Sabbath” ay ang paglaan ng araw na tayo ay nakatuon sa pagbibigay pugay sa Diyos, at ang pinakamagaling na paraan ng pagbibigay pugay sa Diyos ay ang pakawalan ang isang taong nilikha niya, ng lahat ng uri ng kahinaan.
Hangga’t hindi natin maunawaan ang malalim na kahulugan ng pagsamba, ang mga Linggo natin ay maaaring maging katulad lang ng ibang araw, sapagkat ang pagsamba sa Diyos ay hindi lamang ang magsimba tuwing araw ng Linggo, kundi ang dalhin natin ang buong buhay natin sa hapag kainan ng Panginoon, upang humingi ng awa at patawad, magbigay ng papuri at pasasalamat sa lahat ng mga biyayang ating tinanggap, at humingi ng ating pangangailangan, pati ang pangangailangan ng sambayanan. Kapag sinasabi ng pari na humayo tayo, ang ibig sabihin: ipahayag natin ang Salita ng Diyos sa wika at sa gawa saan man tayo mapunta. Kaya’t pagpunta natin sa halalan sa araw na ito, nawa’y ihalal natin ang mga kandidato na alam nating magbibigay ng PRAYORIDAD sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao at paninindigan ang dangal ng tao na likha sa wangis ng Diyos.
Tulad ng sabi ni Jesus sa Marcos 2: 27, “Itinakda ang Araw ng Pamamahinga para sa ikabubuti ng tao; hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga.”
Panginoon, nawa’y sambahin ka namin buong buhay!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 50,722 total reads

 50,722 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 87,890 total reads

 87,890 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 123,189 total reads

 123,189 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 349,459 total reads

 349,459 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 239,931 total reads

 239,931 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BLIND GUIDES

 4,528 total reads

 4,528 total reads Gospel Reading for October 14, 2026 – Luke 11: 42-46 BLIND GUIDES The Lord said: “Woe to you Pharisees! You pay tithes of

Read More »

WAKING UP

 3,016 total reads

 3,016 total reads Gospel Reading for October 13, 2026 – Luke 11: 37-41 WAKING UP After Jesus had spoken, a Pharisee invited him to dine at

Read More »

TRULY BLESSED

 12,125 total reads

 12,125 total reads Gospel Reading for October 12, 2026 – Luke 11: 29-32 TRULY BLESSED While still more people gathered in the crowd, Jesus said to

Read More »

HINDRANCE

 7,046 total reads

 7,046 total reads Gospel Reading for October 11, 2026 – Matthew 22: 1-10 HINDRANCE Jesus again in reply spoke to the chief priests and elders of

Read More »
Scroll to Top