Abot Kayang Pabahay, Meron Pa Kaya sa ating Bayan?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,085 total views

Kapanalig, ang pabahay ay isa sa mga importanteng goals ng ating mga mga kababayan. Marami sa atin, halos magkanda kuba na sa kakatrabaho para lamang makaipon para magpundar ng sariling bahay. Marami sa atin, nag-abroad at iniwan ang pamilya para dito. Marami rin sa atin, pagod na, pero hanggang ngayon, wala pa ring  sariling bahay.

Ayon nga sa isang pag-aaral, hindi pa rin malutas hanggang ngayon ang housing deficit sa ating bayan. Mula 2017 hanggang 2022, tinatayang nasa 6.5 million ang housing deficit sa ating bansa, at ang kadalasang naapektuhan nito ay ang maralita dahil hindi abot kaya ang presyo ng housing o pabahay sa ating bansa, lalo na sa mga highly urbanized cities. Kailangan talaga masuri natin ang affordability ng ating mga pabahay upang maging realidad ang pangarap na tahanan ng marami nating mga kababayan.

 Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies o PIDS, ang affordability ng pabahay ay may tatlong aspeto: attainability o abot kaya; decency; at sustainability. Kapag sinabing attainable kapanalig, ito ay hindi lamang ukol sa housing cost, kundi ukol sa ugnayan o ratio ng housing cost at income. Halimbawa, karaniwang sinasabi na kung 30% ng ating income ay napupunta sa pabahay, attainable o abot kaya pa ito. Kaya lamang kapanalig, ang income ng mga tao ay iba iba, at sa maralita sa Pilipinas kung saan mga P12,000 kada buwan lamang ang kita para sa limang miyembro ng pamilya, pag kinaltas mo pa ang 30%, mga P8,400 na lamang ang matitira para sa pamasahe, pagkain, basic utilities, at toiletries ng tatlong anak at dalawang magulang para sa isang buwan. Pag mahal ang pabahay, mas lalong mahirap makamit, pero kahit mura ang pabahay, kung maliit ang kita, hindi pa rin ito makakamit.

Kapanalig, kailangan suriin ng ating pamahalaan ang affordability ng housing sa ating bayan kung tunay na nais nitong matulungan ang maralita. Mismatched, kapanalig, ang presyo ng kahit ng pinakamurang pabahay sa ating mga syudad. Kung ipagpipilitan naman natin na pwede naman sila sa mga housing programs sa mga karatig probinsya ng mga syudad, mas wala lalong matitira sa kanilang kita dahil kakainin pa ito ng pamasahe tungo sa trabaho nila. Kailangan maglatag ng mga housing programs ang bayan na tunay na pang-maralita.

Malaking pagbabago sa polisiya ng pabahay ang kaugnay ng pagsusuri sa affordability ng pabahay sa bansa. Sana’y maprayoridad ito ng pamahalaan upang mabawasan naman ang housing deficit ng bayan. Sabi nga ni Pope Francis: There is no justification whatsoever for homelessness. Ang kawalan ng pabahay ay hindi makatarungan. Ang pagkakaroon ng pabahay ay karapatang nating lahat, at marapat na tugunan ito ng pamahalaan, na siyang inatasan na mangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 33,028 total views

 33,028 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 55,033 total views

 55,033 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 79,375 total views

 79,375 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 102,915 total views

 102,915 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 136,246 total views

 136,246 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAG-ASA

 33,030 total views

 33,030 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 55,035 total views

 55,035 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 79,377 total views

 79,377 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 102,917 total views

 102,917 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »
Scroll to Top