Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 927 total views

Ang Mabuting Balita, 11 November 2023 – Lucas 16: 9-15
KADUDA-DUDA
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo: gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito’y may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay magdaraya rin sa malaking bagay. Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga kayamanan ng sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo magpagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo? “Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang kayamanan.”
Narinig ito ng mga Pariseo at nilibak nila si Jesus, sapagkat sakim sila sa salapi. Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Kayo ang nagpapanggap na mga matuwid sa harapan ng mga tao, ngunit nasasaliksik ng Diyos ang inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.”
————
Iniibig ng mga Pariseo ang salapi, kaya’t ang kanilang pagiging mga experto sa Batas ni Moises ay KADUDA-DUDA. Sila ay naging mapag-imbabaw tulad ng laging sinasabi ni Jesus ukol sa kanila (Mateo 23: 1-36).
Ganoon din sa ating mga Kristiyano. Hindi tayo maaari maging tunay na tagasunod ni Kristo kung iniibig natin ang salapi. Ang pag-ibig ay ang pagbibigay ng sarili sa iniibig. Samakatuwid, kung iniibig natin ang salapi, lahat ay gagawin natin para dito. Bale-wala sa atin kung matapakan natin ang karapatan ng iba, o pinakamalala, kung kunin natin ang buhay ng iba alang-alang sa salapi. Kapag iniibig natin ang Diyos, lahat ay gagawin natin para sa Diyos, at kasama dito ay ang ibigin pati na ang ating mga kaaway at mga mang-uusig, at pinakahigit ang pag-alay ng ating buhay para sa kanya.
Ayon sa kasabihan, “Money is the Root of all Evil.” Ang ibig sabihin, ang salapi ay ang ugat ng lahat ng kasamaan. Kaya’t maaari nating sabihin na ang Diyos ay ang ugat ng lahat ng kabutihan. Ito ang dahilan kung bakit, tulad ng sinabi ni Jesus, hindi natin maaaring mapaglingkuran nang sabay ang Diyos at ang salapi. Pipiliin lang natin ang kasamaan o ang kabutihan.
Panginoon, tulungan mo kaming PILIIN KANG LAGI!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 32,152 total views

 32,152 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 54,157 total views

 54,157 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 78,499 total views

 78,499 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 102,071 total views

 102,071 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 135,446 total views

 135,446 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PERFECT REVELATION

 4,817 total views

 4,817 total views Gospel Reading for April 29, 2026 – John 12: 44-50 PERFECT REVELATION Jesus cried out and said, “Whoever believes in me believes not

Read More »

IDENTIFY

 5,275 total views

 5,275 total views Gospel Reading for April 28, 2026 – John 10: 22-30 IDENTIFY The feast of the Dedication was taking place in Jerusalem. It was

Read More »

ONE FLOCK, ONE SHEPHERD

 7,059 total views

 7,059 total views Gospel Reading for April 27, 2026 – John 10: 11-18 ONE FLOCK, ONE SHEPHERD Jesus said: “I am the good shepherd. A good

Read More »

ALL AUTHORITY

 7,266 total views

 7,266 total views Gospel Reading for April 26, 2026 – John 10: 1-10 ALL AUTHORITY Jesus said: “Amen, amen, I say to you, whoever does not

Read More »
Scroll to Top